Pandemya at pulitika… Nag-uunahan sa limelight?

Opinion

Ilang araw na lang…atin na namang gugunitain ang araw ng ating kasarinlan. Pero sa tuwing mapag-uusapan ito…laging bumubuntot ang tanong na – Malaya nga ba tayo? At paulit-ulit naman ang kasagutan – sobra-sobra na ang ating kalayaan. Ang talamak ay ito: MALAYA tayong gumawa ng maski ano kahit ito ay illegal, di ba? Sa panahon nga ng pandemya, MALAYA tayong pumili ng gusto nating bakunang ituturok sa atin.

MALAYA tayong kumontrasa dikta ng pamahalaan kung anong dapat gawin. MALAYA tayong suwagin ang mga health protocol kahit alam nating mali at labag sa kautusan. Kaya nga’t dahil sa kalayaang ito, pati da kda ka ng-pampul i t ika, nakikipatentero na rin sa mga dakdak-Covid-19. Grabe na nga ang dakdakan hinggil sa pulitika kahit sa ilalim ng pandemya.

Sige, upakan na lang natin ire: Wala pa ang pandemya, kung ating maala-ala….may mga nagpapahiwatig na sa kanilang plano sa 2022 election, di ba? Hindi nga lang bulgar, pero tumatapik na. Marami na ang sumisilip ng butas kung papano nila tumbahin ang kanilang kalaban. Marami na ang sumisilip ng mga anomalyang puwedeng iumbag sa mga nakaupong tatakbo pa rin sa eleksiyon.

At sa ngayong may pandemya, may mga sumasakay sa isyu ng bakuna, health protocol, ginagawa ng DOH, FDA, DSWD at lahat na ng mga ahensiyang umaasiste laban sa Covid-19. Sa likud ng mga ito, hindi lingid sa ating mga kababayan ang ginagawa ng ating gobyerno upang maparami pa at mapabilis ang pagdating ng mga bakuna. Ang kaso, ayon sa mga datos….marami pa rin ang ayaw magpabakuna.

May takot pa rin ang iba na baka kung ano ang magiging epekto sa kanila. Kaya nga’t nariyan na ang mga informercials ng pangulo na hinihikayat lahat na magpabakuna hindi lang sa ating proteksiyon kundi pati na rin sa mga mahal natin sa buhay at ang bayan. At masaklap, nakikisabay at nakikigulo pa rin ang pulitika.

Kamakailan, napaulat na nangako ang Russia para sa dagdag-bakuna para sa Pilipinas. Sa palitan nga ng alalayan ng dalawang bansa, planong sa Russia bibili ng lifterchoppers ang ating pamahalaan. Ang kaso, tiyak na may mga sumisilip na naman sa tabitabi upang sakyan ang isyu at sirain pa ang plano. Anong dahilan? Oops pards….para masira ang imahe ni Pres. Duterte. Kasi nga..habang dumarami ang kanyang magagandang programa, mahihirapang makalusot ang paninira ng mga laban sa kanya, di ba? Lalo pa’t usap-usapan na ang
rekomendasyon na tumakbo siyang bise presidente sa 2022.

Yan na, mga pards. Talagang lantaran nang pumasok na sa area of responsibility ang bagyong –pulitika sa ating lipunan. Dumakdak na rin ang mga kontra sa suhestiyong pagtakbo ni Digong. Kesyo matanda na siya. Kesyo, marami ang ayaw ng trapo o lumang opisyal at ang gusto ay iba naman. Kesyo may nagsasabi pa na kung ang tatakbong presidente ay si Sarah Duterte, tapos ang
kanyang bise ay si Digong…hindi kaya dagok daw ito sa maraming kuwalipikado namang manilbihan sa madla?

Pero teka lang, mga pards…..may sinabi na ba ang mag-amang Duterte na sila’y tatakbo? Wala pa naman, di ba? Mga alipores lang ang dumadada. Dapat magmula sa kanilang ngalangala ang pinal na desisyon bago tayo dumada, di ba? Haayyy buhay nga naman…. Pandemyang – pandemya, pero sa halip na kaligtasan ng bayan mula sa Covid-19 ang pagtuonan…..isinisingit pa ang pulitika.

Gamot ba ang pulitika sa Covid-19? Tsk tsk…pabigat lang ito, pards, di ba? Sa 2022 pa ang elksiyon. Marami pang magaganap dahil sa pandemya. Kahit pa may mga lugal na sa Norte (kasama ang Baguio at La Union) na handa ng tumanggap ng turista mula NCR plus…hindi tayo nakakasigurong patungo na tayo sa normalidad. Eh, kung sakali na hindi pa humuhupa ang pandemyang ito sa taong 2022….ano kaya ang eksena?

Tiyak mag-uunahan sina Pandemya at Pulitika sa finish line, ano man ang mangyari. Ang masaklap…bayan ang maba-virus, di ba? Sa ngayon nga, ayon sa ulat ng DOH, milyong nagpaturok ng unang dose ang hindi pa bumabalik para sa second-dose. Pag pinasukan pa ito ng pulitika…lalong problema. Sige next issue na ulit mga Ka- Amianan. Adios mi amor, ciao, mabalos.