HUWAG NG PAALIPIN sa kaba at pangamba. Tuloy-tuloy naman ang ang pagdausdos ni Covid nitong mga nakaraang araw. Pa dos-dos na nga lang ang bilang ng mga bagong kaso. Nitong nakaraang mga araw, medyo umangat ng kaunti. Wala pang .001 % ng total population ang kinapitan ni Covid. 4, 7, 9, 13. Walang dapat ikabahala. Pinaaalam lang ng mga numero na dapat dobletriple pa rin ang pag-iingat. Kung bakunado na ng 4 na beses, ang dalawang dapat at ang mga sumunod na dalawa pa ay added boosters, ano pa ang ikakabahala.
Eto nga at dumating na ang Bivalent, isang epektibong pang-dagdag ng immunity ngayong meron na tayong mga bagong kaso ng panibagong variant. Mag third booster na tayo, lalo na sa mga priority persons. Mga matatanda, mga may dinadalang karamdaman, mga frontliners. Kagabi lang, ang dating 10,000 na mga bagong nahawaan ay nasa 450 na lang sa buong bansa.. Pero nitong mga huling linggo, lalo na simula noong Lunes, hindi na mapigilan ang pagbaba ng husto ng mga bagong kaso. Para bagang nahulugan ng sinturon ang pantalon, kaya ayun laglag sa sahig.
Kailan lamang, nagbabala ang mga punong abala na huwag maging kampante dahil nga nasa bansa na nga raw ang 2 bagong kasong kinapitan ng pinakabagong variant ni Covid. India at Amerika ang
sinasabing mga bansang unang kinakitaan ng bagong silang na covid mutation. Kaya naman ng
magpahayag na narito na ang pinakahuling anak ni covid, signos na tinanggap ito. Ng maluwat at ng maluwag. Kakaiba naman ang sitwasyon sa atin dine sa Baguio. Padala-dalawa ang average count ng new cases. Dos por dos ika nga. Kaya pala, tila walang katinag-tinag tayong taga-Baguio kahit na bulagain pa rin sila ni XBB, ang bagong super-variant.
Idagdag pa na pwede na raw mag third dosage ng bakuna, sinasabi ring pinakabagong bakunang kayang lupigin at supilin si covid. O, ayun, parang dumaang hangin ang mga paalala ng kinauukulan. Bisnis as usual, ika nga. Mismo ang ating Ama ng Lungsod, si Mayor Benjie, hindi
nababahala. Eh napaka-techy nya. Data-driven. Kaya naman, hindi naglaon kanyang ginawang
opsyonal ang pag-gamit ng face mask sa mga indoor environment. Samakatwid, tuloy ang agos ng
buhay. Tuloy ang pag-inog ng mundo. Hindi na dapat maging pangamba si covid.
Senyales na nga raw ang mga pababa ng pababang bagong kaso. Nasa huling hingalo na si Covid.
Kinakapusan na ng final breath. Papalapit na sa huling hantungan. Kulang na lang ang pinakapenal
na panalangin. Tulad ng sinabi ni Mayor, huwag ng magpaka-kampante ng tuluyan, at huling hininga na ni Covid. Sa mga outdoor setting naman, nasa sa atin pa rin ang desisyon kung gagamitin pa rin ang face mask. Ibig sabihin, desisyunan na natin ang tama at sapat na pagiingat upang maging protektado at ligtas.
Ang mahalaga, patuloy nating pangalagaan ang ating mga sarili. Sa panahong pa-tigok-tigok na si Covid, huwag pa rin tayong padadala sa simbuyo ng katuwaan upang kampante ng salungain ang
panganib ng pagkakahawa. DAGDAG paalala: Halos lampas ng 3 taong singkad ang matagal na nating viral visitor sa Pinas. Kaya naman, dagdagan pa ang pag-iingat. Ang pasensya. Ang hindi
pagkalimot sa nakaraang halos 3 taon singkad ay oras-oras nating hinaharap ang peligro ng
pagkakahawa. Kung nalampasan natin si Covid ng ganun-ganon lang, eto pa kayang sisinghap-singhap na sya.
Di tulad ng dumaang mga bagyo, huwag nating iwaksi na si Covid ay nandyan pa rin. Nagaabang. Nagbabantay. Aaligid-aligid, kukurap-kurap, at dahil may dalang sariling bagsik ang bagong kaanyuan nito, walang humpay naman ang ginagawang paghahasik ng lagim. Oo nga at panibagong peligro ang umiiral dala ni covid. Hindi sya natitinag. Kung akala natin, nitong mga nakaraang buwan, ay nawawalan na sya ng buhay, hindi pa pala. Kung akala natin, patungo na si covid sa huling hantungan, hindi pa pala. Eto sya, may bagong lakas na muling humahagupit, may bagong
enerhiya na humahawa.
Huwag nating ipagwalang bahala si covid. Isa syang mailap na banta sa ating buhay. Nito ngang
nakaraang mga araw, ang mga kaibigan natin na ilang taon ding hindi tinamaan ni covid, binigla tayo ng bagong kaalaman na nahawa na. Mga taong naiwasang mahawa sa loob ng higit dalawang taon, ngayon ay naisama bigla sa mga listahan ng hawaan. Patunay ito na patindi ng patindi ang bagong banta ng pandemyang lampas dalawang taon na nanalasa sa buong mundo.
Walang araw na nagdaan na hindi pinalampas ang ating mga eksperto sa kalusugan sa paglalahad ng ating pambansang kundisyon. Para bagang, kinokundisyon tayo na ang huling hininga ni Covid ay wala pa sa linya. Isang kalaban sya na hindi masupilsupil, hindi matinag-tinag. Walang kakurap-kurap kung umalma. IngatTayoBaguio. AngatTayo. ProgresoTayo!#
July 8, 2023
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024