PANININDIGAN SA WPS… PATIGASAN NA!

Matira ang matibay! Yan ngayon ang paninndigan sa isyu ng teritoryo sa West Phil. Sea. Pano naman kasi…tayo na nga ang argabyado, tayo pa ang sinasabi ng Tsina na gumagawa ng gulo. Kundi ba naman talagang “anak sila ng …”. Putak sila nang putak, sablay naman. Iisa ang puntirya talaga. Gusto nilang magdagdag ng kakamkaming teritoryo. Maliwanag pa sa buwan ang kanilang misyon sa daigdig – ang maghari sa mundo. Natural, maraming papalag at
kontra, isa na ang Pilipinas. Sige, pasadahan natin ire, mga pards: Kanyong- tubig.

Binabanggang mga bangka at barko. Binabarahan ang paghahatid ng suplay. Ang paratang: nagdadala raw tayo ng
materyales upang i-repair ang BRP Sierra Madre. Kundi ba naman “utak-monamon” ang mga yan. Sus Ginoo, tulungan mo nga kaming manungkit na mga puwedeng pamabalibag. Marami na ang pigtas ang sinturon sa mga pinaggagawa nila sa atin. Ang nakakabilib, kalmado pa rin ang ating mga opisyal lalo na ang paninindigan ni Pangulong Bongbong.

Diplomasya ang gustong pairalan…pero, sa sandaling may mamamatay na Pilipino dahil sa tensiyon, wala daw tayong magagawa kundi gumanti. Sa puntong ito, iisa ang nakikita: GIYERA. Kapag nangyari ito…hugot na lahat ng puwersa ng mga bansang may malasakit sa atin. Bulong ng mga mabibilis ang utak: sige na para magamit natin ang mga bagong dating na mga malalakas na armas na ating inimport mula sa ibang bansa gaya na ang India at
Russia. Basta, ang pinakahuling utos ni Pangulong Bongbong: dapat maghanda o nakaalerto ang buong Sandatahang Lakas ng bansa sa ano mang mangyayari.

Ang nakakamangha namang pangyayari kamakailan ay ang pagbibitiw ni VP Sara Duterte bilang Dep-Ed Secretary at iba pang maselang katungkulan sa seguridad. At kamakailan din, may pinalutang ang VP na sa darating na 2028, hindi pala siya tatakbo sa pampanguluhan kundi ang isa nitong kapatid na lalaki. Siya raw ay tatakbo na lang bilang
alkalde ng Davao City. Paano kaya si dating pangulong Digong? Tatakbo raw itong senador, kasama ang isa pang
anak na lalaki. Talagang pumupusisyon na ang mga Duterte. Ano naman kaya ang ipoposisyon ng angkang Marcos kung sakali?

Sabagay may lakas pa sila kasi andiyan pa ang may “balls” din na anak ng Pangulo. Nariyan din si Sen. Imee Marcos at isama na natin ang House Speaker na si Rep. Martin Romualdez. Abangan ang susunod na chapter. Kamakailan din, may sumingit ding kontrobersiya. May alok si Gov. Chvit Singson ng Norte na handa siyang tumulong para magkaroon daw tayo ng mga karagdagan at makabagong fighter jets. Maganda ang plano. Kakagatin naman kaya? May pagkukunan ba tayo ng pondo? Sabi naman ng iba: kung ibibigay ni Singson na libre, ayos lang. ang sumasagi kasi sa aming isipan ay kung may gyera, may gastos.

Mula sa bala hanggang sa malalaki at makabagong armas…may malaking pondo yan. Bilang panghuling tapik, ang atin ding panawagan sa madla hinggil sa panawagan din ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na lahat ng mga
ahensiya ng gobyerno at mga nasa pribadong sector ay dapat magkaisa at magtulungan upang bakahin natin ang kagutuman o kahirapan. Hindi natin isinasantabi ang mga malalaking problema-pulitikal at nasyunal na kapakanan kundi isabay din nating pagtuunan ng pansin ang mga bagay na umaapekto sa estado ng ating buhay. Magkaisa at magtulungan. Respeto. KAbutihan. Pairalin lagi. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon