Pasahero ng jeep sa Abra, bala sa ulo ang ibinayad sa tsuper

Nov 18, 2017

BANGUED, ABRA – Sa halip na ibigay ang pamasahe ay binaril ng isang pasahero ang ulo ng isang jeepney driver sa bayan ng Tayum, Abra.
Agad namatay ang driver na si Novie Baldemor, 30, mula Cayapa, Lagangilang, matapos na dalawang beses na binaril gamit ang caliber 45 ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Bumagkat, Tayum, noong Biyernes, November 10, 2017.
Ayon sa ibang mga pasahero, pumara ang suspek sa Barangay Bumagkat at halip na ibigay ang perang pamasahe, inilabas diumano ng suspek ang baril at nagpaputok ng dalawang beses sa ulo ng driver at agad na tumakas.
Sa gulat ng mga pasahero, kumaripas sila ng takbo sa iba’t ibang direksiyon.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing pamamaril.
Ang insidente ay naganap sa gitna ng kampanya ng Cordillera police laban sa mga loose firearms sa pamamagitan ng checkpoints at raids kung saan naaresto ang walong suspek at nasamsam ang mga armas at bala kamakailan lamang sa Abra at Kalinga.
Dinala ang pitong suspek sa police station ng Kalinga matapos mahuli ng mga otoridad ang isang armas at mga bala sa kanila, hapon ng November 11 sa Sitio Talaka, Barangay Agbannawag, Tabuk City.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Nestor Sabawil, 23, magsasaka, driver ng kuliglig; at mga pasaherong sina Aries Dawing Macaiba, 19; Julius Tupay Innog, 21; JR Longdason Gayyad, 22; Jeppy Appag Wassigan, 21; Hogan Goyagoy Paclay, 26; at Rubin Longdason Baccoy, 25, lahat ay mula Brgy. Lacnog, Tabuk City. Nakuha sa kanila ng mga otoridad ang isang homemade caliber .357 revolver at mga bala.
Hinudyatan ng otoridad ang mga suspek at napansin nila ang isang green sling bag na naglalaman ng .357 revolver na may markang S&W .357 magnum na walang serial number at may anim na bala. Walang sinoman sa mga suspek ang umamin kung kanino ang nasabing armas at wala rin diumano silang maipakitang dokumento sa mga otoridad kung bakit nasa kanila ang nasabing armas.
Samantala sa Abra, dinala sa police station ang suspek na si Renato Molina Javier, 65, matapos makita sa bahay nito sa San Jose Norte, Manabo, ang isang Bersa Thunder caliber 380 pistol na may Serial No. 357432, may 12 na bala at dalawang magazines, sa raid na isinagawa noong November 10 ng umaga.
Nangako ang Cordillera police na ipagpapatuloy nila ang paraan ng gun-controlling sa rehiyon upang mapigilan ang mga krimen. Humihiling ng suporta si Cordillera police director Chief Supt. Elmo Sarona at nagsabing “everyone’s effort is needed to obtain a lasting peace in the region.” ACE ALEGRE / ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest