PASKO NA, HANDA NA BA?

TULOY-TULOY ang selebrasyon ng Pamaskong Handog ng ang Enchanting Baguio Christmas (AEBC) 2024, ang taunan at pangunahing programa ubang bigyang kasiyahan ang sambayanan. Ito ang mula pa noong 2019 ay naging
mapang-akit na pagdiriwang na pinangunguluhan ng Baguio Tourism Council. Araw-araw, gabi-gabi ay naging atraksyon ang Rose Garden ng Burnham Park, na siyang sentro ng selebrasyon. Kasiya-siya at puno ng kasiyahan ang mga programang giunaganap sa lugar. Napakaayos ng ginawang paghahanda. Talaga namang walang iniasa sa tsansa ang pagka-organisa ng pasinaya.

Patunay ito na basta merong hinawakang programa ang BTC, laging nakatuon hanggang sa kahuli-hulihang detalya si Gladys Vergara, ang punong abala ng organisasyon na ilang mga 12 sektor ang kasapi. Inayos ang Rose Garden, nagtayo ng stage upang doon ay maiparating ang mga mensahe ng BTC na mismo ang ating Ama ng Bayan, si Mayor Benjie Magalong, ang nagbigay ng makahulugang pagsuporta. Bawa’t araw ay hindi na palampas upang akitin ang iba pang mga opisyales ng lungsod.

Tunay na hindi nagkulang ang mga matataas na opisyal – sina Bise Mayor Tino Olowan, ang mga Konsehal ng Sangguniang Panlungsod at ang mga pinuno ng mga departamento ng City Hall. May Christmas Market Village na humihikayat ng suporta ng lahat, kung saan makakapili ka ng napakagagandang mga Christmas items na pan-regalo sa mga panahong ito. Bigyang pugay natin ang BTC sa pagtalima sa panawagan na lampas an pa ang mga taunang bersyon ng AEBC.

Magmula pa ng 2019, sa pagsisimula ng panguluhan ni Gladys, ay taunan ng laging inilunsad ang AEBC, na siyang pangunahing kontribution ng BTC sa panahon ng Kapaskuhan na sinimulan nga noong ika-28 ng Nobyembre at magtatapos sa ika-6 ng Enero ng 2025. Malaking halaga na ang Tourism Council ang siyang binigyan ng tungkulin upang ang Kapaskuhan ay pamahalaan ng BTC. Ang turismo ay lagi namang dagsa sa Baguio sa ganitong panahon, isang bagay na dahilan kung bakit ang BTC ang siyang Punong Abala upang gawing kaaya-aya ang Kapaskuhan sa
panahong binibisita tayo ng ating mga turista.

Isang pagpupugay ang ating ibigay, mula sa puso, sa inisyatibo na pinaghandaan taun-taon, para lamang tayong taga Baguio ay makapagdiwang at maipamalas ang kakayahang tunay na kakaiba ang selebrasyon ng Pasko. Sa taung ito, lalo pang naging pagkakataon na maihayag ang sama-samang pagsasabalikat ng mga programang inaasahan
matapos na dumaan ang sunod-sunod na hamon ng panahon. Ating ipagdiwang ang kakaibang Kapaskuhan sa tunay
na espirito ng Dahilan: ika nga, the Reason for the Season.

Ang mga pamilya ay super-excited na makapiling ang mga kamag-anak na inaasahang uuwi upang makapiling ang bawat isa. Si Ate, na isang nars sa London, darating anumang araw. Si Kuya na construction manager sa Dubai,
ganoon din. Sa kabila ng selebrasyon, ating tandaan na ang Pasko ay panahon ng pabibigayan – ng pagmamahal na binigyang kulay dahil sa pagkakalayo, ng pagpapatawaran, na dahil sa distansya ng oras ay palaging nagmamadaling ibigkas, at ang mga regaling lagi na lang inaasahan sa ganitong mga panahon.

Ang Sanggol sa Sabsaban ang siyang ating gunitain. Siyang isinugo ng kanyang Ama upang isalba ang sambayanan sa mga kasalanang umuukit sa konsensya ang nagkasala. Tandaan natin na si Hesus ay nagkatawang tao bilang
aginaldo sa atin. A worthy gift for a mankind worthy of redemption. Maligayang Pasko sa lahat. Sana naman, sa kabila ng mga suliraning bumabagabag sa atin, sa kabila ng siphayo at kawalan ng karangyaan, ating paglimiin ang
kadahilanan n gating selebrasyon. Merry CHRISTmas!

ISANG PAHABOL NA USAPIN: Bigyang tinig natin ang mga obserbasyong naiparating sa atin ng mga nababahala sa tako at agos ng pulitika. Ang isyu ay dinastiya – na kung saan isang mag-asawa ang tahasang naging kandidato para sa una at pangalawang posisyon ng lungsod. Sila ay nagpahayag ng pagtutol sa ganitong uri ng sinasabing Dinastiya sa Pulitika. Ang kanilang katanungan: wala bang karapatan ang iba na mabigyan ng pagkakataon upang makapagsilbi rin? Hindi ba’t ang isyung ito ang nakapagpapataas ng kilay sa ilan nating tagapagmatyag na tila sila
lamang, at tanging sila lamang ang makapagbibigay dangal sa pagsisilbi?

Ano ba ang parang ayaw nilang ipagkatiwala sa iba ang isang posisyon na siyam na taong singkad din ang pinalipas. Kulang pa ba at marami pang nakaligtaan? Eto ang bagay na mariing ipinagduduldulan sa lalamunan ng bawat taga-Baguio. Hayagan at walang pakundangan na ipinahihiwatig sa atin na anumang naisin ay kanilang isusulong hindi
para sa interes na pampubliko, kundi upang isulong ang sariling interes. Sila lamang daw ang sakdal na may karapatan upang magsilbi at wala ng iba pa. Uulitin natin: walang ng iba pa. Ganun?

Amianan Balita Ngayon