PASKO NA, SINTA KO

NARINIG KO KAHAPON na walang dahilan upang ipagpaliban ang Pasko. Kasi naman, ayon sa Ingleserong katabi ko “It’s feeling a lot like Christmas!”Paskung pasko na nga naman. Bigyang isip ito: saan mang dako maibaling ang paningin, Pasko na ang nasa isip at damdamin. Sabi ng isip, hinayhinay sa shopping. Sagot ni puso: sige lang, sige lang, gawing bongga ang pagbili ng regalo.
Tunay na ramdam na ramdam na nga ang Kapaskuhan. Sa simoy ng malamig na hanging ngayon,
feel na feel. Isang linggong tulog na lang, Christmas Day na.

Ganito ang mga hudyat ng paparating na Dakilang Araw ng Pagsilang. Kaya naman, ngayon pa lamang, one week to go, ay bumubugso ang ligaya at galak saan man pumaroon. Hindi maitatanggi na ngayon pa lamang, hindi na magkadaugaga ang mga tao na maging maagap sa paghahanap ng maireregalo sa mga mahal sa buhay. Pati nga mga kaibigang hindi nasisilayan noon pa man, biglang naaalala, biglang bumabalik sa pananaw na tanging ang himig ng hanging Paskong-Pasko ang makapagbibigay ng kasayahang ganap at buongbuo.

Ating pinaglalanan ng kakaibang panahon ang mga sari-saring mga pagdiriwang upang muli at
muli, masaksihan ng buong mundo kung gaano natin binibigyang halaga ang yamang dulot ng Dakilang Pagsilang. Ang paulit-ulit ngang ibinibida ng isang TV station, Pasko ang siyang
pinakamagandang kwento ng ating buhay. Atin ng idagdag na ang pagsilang ng Banal na Sanggol ang siyang pinakamakabuluhang kaganapan sa kasaysayan ng mundo.

Sa yugtong ito ng panahon, muli nating bigyang galang ang mga manlilikha ng pagbabago, upang ang pagbabago mismo ang muling lumikha ng ng iba’t iba pang pamamaraan ng pag-galang sa
ating pinagmulan. Atin itong isambulat ng buong pagmamalaki, dahil pinaglaanan ang yaman na ito ng masusi at marubdob na hangaring makapagbigay ng kakaibang saya, galak, at katuwaan.

Ang kapaskuhan ang panahong siyang yayabong sa kasiyahan, siyang magbibigay ng higit pang kulay, higit pang tunog, at higit pang kamamalasan ng pagdiriwang na tanging Pilipino ang may
gawa, dahil na nga sa dahilang ang ating pinanggalingan ay mga namana sa ating nakaraang lahi at lipi. Nararapat lamang na ating muling buhahin ang nakaraan upang maging malinaw ang dinaraanang hinaharap.

Likas sa atin na ang buhay, kapag paulit-ulit na ipinagbubunyi,muli at muli ding tumitingkad ang kakayahang hindi ginugunaw ng ano pa man. Kaya sa panahon ngayon, atin muling ipamalas ang iba’t ibang mga mukha ng paglalarawan. Atin muling gisnan at bigyang mulat ang kakaibang lakas na kailanman ay hindi masusupil ang kulturang kinalakhan, ang kasaysayang hindi mabubura
maging ng mga makabagong pamamaraan.

Kultura at sining – ito ang mga nagpanday sa ating lumalagong katauhan, na kahit na ano ang panahon ay patuloy na namamayani at yumayabong pa. Dahil na rin sa kusang-loob na gawaing nagbibigay sigla sa kulturang katangi-tangi sa atin. Sa mga sumusunod na panahon, ating muling
magkakapit-bisig na ihayag ang likhang Baguio na mararamdaman sa mga obrang iniaalay sa makasaysayang pagdiriwang ng Ibagiw. Likhang Baguio ng taga-Baguio. Dito lamang sa Baguio na muling nagpamalas at nagpamangha.

Anihin ang ipinaparamdam ng Kapaskuhan. Isang malugod na pagpupugay at pagbibigay dangal sa nagsasagawang ibandila ang henyo ng Ibagiw – gawa ng taga-Baguio para sa mundo ng kulturang patuloy na yumayaman sa iba’t ibang anyo ng sining at pamamahayag. Isang masigabo,
mapagmalaki at napakasayang Kapaskuhan sa lahat!

Amianan Balita Ngayon