PDEA, lilinisin sa droga ang 19 barangay sa Baguio bago SONA, kaya ba ito?

Jun 4, 2017

Nakakabilib kung hindi man nakakagulat ang naging pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-CAR na pursigido silang putulin at linisin sa droga ang 19 barangay sa lungsod ng Baguio at buong rehiyong Cordillera hanggang Hulyo bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte. Magandang balita ito kung ito nga ay matutupad.
Ayon sa ahensiya ay may apat na milyon ang drug users sa Pilipinas at napakalaking demand nga naman ito. Sa ngayon ay hindi pa naiideklarang drug free ang Baguio at Benguet at ayon sa tagapagsalita ng PDEA-CAR ay dalawang hakbang ang kanilang pagtugon upang makamit ang target nilang paglilinis hanggang Hulyo. Una ay ang supply reduction approach na kung saan ay minomonitor at kinikilala ang mga checkpoint bago putulin ang supplies ng mga drug user. Pangalawa ay ang demand reduction approach na kung saan ay puputulin ang demand sa paglalagay sa mga drug user sa treatment at rehabilitation centers.
Tama rin ang kanilang balak na pababain ang supply at demand dahil kung supply lamang ang huhulihin ay magiging walang silbi raw ito dahil malaki pa rin ang demand – ang mga drug user. Bakit may mga nagbebenta ng droga sa Pilipinas? Dahil nga malaki ang demand at kung hindi naampat ay lalaki pa ito.
Kailangang maging totoo at pursigido ang mga ahensiyang may pakialam sa droga dahil kung tuluyan silang malulusutan ng tila mas magaling sa kanila gaya sa pagkakadiskubre ng higit 500 kilong shabu na nagkakahalaga ng P5 bilyon na idinaan sa “express lane” ng Bureau of Customs ay magiging walang katuturan nga ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga. Sa kabila ng matigas ang malakas na paninindigan ng pangulo upang gawing mailinsi sa droga ang bansa kung may mga kawani, opisyal at ahensiyang hindi pa malinis-linis ay mapapahiya lamang tayo sa mata ng mundo at walang maiiwang kawawa sa huli kundi ang mga kabataan at susunod na henerasyon.
Kung matutupad ng PDEA-CAR na malinis ang Baguio at Cordillera sa droga sa Hulyo ay walang pagsidlang galak ang mga puso ng mamamayang Pilipino.

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest