LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa mga komunistang rebelde.
Ginawa ni Esperon ang pahayag noong nakaraang Martes sa 4th Quarter Meeting ng Regional Task Force to End
Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC1) sa bayan ng San Juan kung saan naupo siya bilang presiding
officer.
“The Communist Party of the Philippines (CPP), the New People’s Army (NPA), and the National Democratic Front (NDF) are now asking for a presumption of peace talks,” aniya.
Sinabi ni Esperon na siya ring vice person ng NTFELCAC at Cabinet Officer for Regional Development for Region 1 (CORD1), na ang NDF, sa partikular, ay humihiling ng isang oras sa Pangulo kung at kalian siya bibisita sa Vietnam sa loob ng taon.
“They now feel that we are all over, meaning the NTFELCAC of which the chairman is the President himself who is making their life miserable not only for their fighting units, as well as for their other organizations,” ani Esperon, na idinagdag na may kapansinpansin na pagbaba sa kanilang kapabilidad kung ang kanilang komunistang grupoing rebelde ang pag-uusapan.
Dagdag pa niya, “What makes it more difficult for them is their operating units have opted to put down their arms and take advantage of one of our programs which is the Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).”
Subalit binigyan-diin ni Esperon na ang pangunahing kondisyon sa muling pagkakaroon ng pag-uusap ay dapat maganap ito sa Pilipinas at hindi saan man sa labas ng bansa. “We do not know yet when the talks will take place,” ani Esperon Esperon.
Samantala, sinabi niya na kahit na may nakabinbing posibilidad, sinabi ni Esperon na mahigpit na hinihikayat ni Duterte ang pagpapatuloy ng lahat ng aktibidad ng task force.
“The President said we must proceed without delay and more fervor about what we are doing in the NTF-ELCAC,” pahayag ng national security adviser.
Ang year-end meeting ay dianluhan ng mga provincial governor at iba pang local chief executives, heads ng regional line agencies, at heads o mga kinatawan ng 12 clusters ng regional task force sa Rehiyon 1.
JND/PIA LU/PMCJr.-ABN
December 30, 2019
December 30, 2019
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024