PEDDLING LAGANAP SA BAGUIO CITY PUBLIC MARKET

BAGUIO CITY

Patuloy ang serbisyong ibinibigay ng Public Order and Safety Division (POSD) para bantayan ang
kaayusan sa mga pampublikong lugar, lalong-lalo na ang legalidad ng mga produktong binibili ng mga mamamayan. Ayon sa datos, nakapagtala ang Public Order and Safety Division (POSD) ng
259 peddlers apprehensions mula Enero hanggang Pebrero sa Baguio City Public Market.

“Ang apprehension is when you are caught illegally peddling. Ito ung mga mostly ambulant vendors na walang permit who goes around na nakikipag cat and mouse sa atin,” paliwanag ni POSD Officer in Charge Daryll Kim Longid. Aniya, ang mga nagtitinda na walang permit ay walang rason para magbenta,ito ay upang maprotektahan na rin ang iba pang mga nagtitinda na may binabayarang upa, permit at taxes.

Gayon din ang seguridad ng mga mamamayang bumibili ng mga produktong maaaring makasama sa kanilang pangkalusugan. Ayon naman sa Administrative Order No. 604, series of 2004, allows the POSD to “evict all illegal peddlers and vendors with their goods, products and wares which are
occupying all areas beyond the commerce of man.” Kaugnay nito, ang pagkakumpiska ng isang
kartong ukay-ukay na mga damit sa Block 3 Public Market noong Pebrero 19.

Ayon kay Longid, kinuha ng POSD ang isang kartong ukay dahil ito ay nakalabas sa area na daanan ng mga tao. “Inextend niya ung stall niya sa labas which is illegal. It is a prohibited act under the market code and under the tax ordinance at ilang beses na siyang na warningan noong araw na yon,” paliwanag pa ni Longid.

Napag-alaman din na ang mga nakukumpiskang goods o mga pagkain ay nakatala as per “kilogram” habang ang mga damit o laruan ay naka-itimize naman as per “piece”. Aniya, ang mga ito ay 100% na napupunta sa mga iba’t-ibang ahensya sa Baguio na pwedeng gumamit ng mga nakumpiskang goods gaya ng apat na centers na minamanage ng City Social Welfare and Development Center.

“Mula Enero 1 hanggang Pebrero 13 ay nakapag-pamigay na kami sa Bahay Pag-Asa (373 kg of perishable), Regional Haven (110.55 kg of perishable), Reception & Study Center for Children (412.95 kg of perishable), and Botanical/City Environment & Parks Management Office (1 piece),” dagdag pa ni Longid. Sa ngayon, ang POSD ay katuwang ng city government bilang kanilang implementing buddies. Mayroon silang several major mandates tulad ng anti peddling, anti-smoking, anti-jaywalking, community service assistance at iba.

Franz Angielyn Olarte/UB Intern

Amianan Balita Ngayon