Pederalismo man o awtonomiya, may pagbabago pa ba?

Aug 20, 2017

Ngayon ay malinaw na tila namimiligro na naman ang adhikain ng mga tagasulong ng isang awtonomiya sa rehiyong Cordillera. Matapos ipakita ng mga opisyal sa rehiyon at mga mambabatas nito ang pagkakaisa, hindi lamang ang pag-ikot ng ‘unity gong’ sa buong rehiyong Cordillera upang maisulong ang awtonomiya kundi ang pagkakaisa ng mga lider na mukhang nakita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya pinirmahan nito ang Autonomy Bill ng Cordillera bilang isang urgent o priority bill ay tila maisasantabi ito dahil sa pinapaigting na pagsulong ng pederalismo sa bansa.
Kamakailan lamang ay magkasunod na bumisita sa lungsod ng Baguio at La Trinidad si Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at dating National Irrigation Administration (NIA) Peter Lavinia. Nauna ng dumalaw si Lavinia sa La Trinidad na nagsagawa ng forum at information, education campaign upang isulong at ipaunawa sa tao kung ano ang pederalismo na maigting na isinusulong ni Pangulong Duterte. At ito lang nakaraang linggo ay dumalaw naman si Secretary Andanar sa lungsod na bagama’t nagbigay ng pahayag na suporta sa adhikaing awtonomiya ng Cordillera ay hindi ito ang naririnig dahil miyembro siya ng gabinete ni Pangulong Duterte at kailangang isulong din niya ang pederalismo gaya rin ang naging pahayag ni Secretary Jesus Dureza ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na suportado rin niya ang awtonomiya ng Cordillera subalit sino ba naman ang susundin niya kundi ang kaniyang “pangulo”.
Sa katotohanan ay marami pang taga-Cordillera ang hindi lubos na alam kung ano ang awtonomiya at anong kabutihan ang handog nito at ang pagpaparamdam ng pederalismo ay nagdaragdag ng kalituhan sa kanila. Ang pagkuha ng malaking bahagi ng pagpabor ng mga Cordilleran ay makakatulong ng malaki sa pagkamit ng awtonomiya dahil kapag sakaling magsagawa ng isang referendum ay malaki ang tiyansang mananalo ang pabor dito. Ngunit sa nangyayaring sabay na naisusulong ang pederalsimo at awtonomiya sa Cordillera ay magdudulot ito ng kalituhan sa tao.
Tila dehado na nga ang pagsulong ng awtonomiya ng Cordillera kung pinapaigting na ang kampnaya para sa isang pederal na uri ng gobyerno sa Pilipinas. Dagdag pa riyan ang malaki at malawak na puwersa ng administrasyon dahil hawak nila ang kongreso at puwersang pulitika. Sa kabila ng pagkakaisa ng mga mambabatas mula Cordillera ay ilan lamang sila kontra sa mas maraming ka-alyado ng Pangulo na magsusulong ng pederalismo.
May mga negatibo at positibo sa pederalismo at awtonomiya subalit hindi lamang sa pamahalaan nakasalalay at nakabatay ang patutunguhan o ikauunlad ng isang bansa o ng isang rehiyon kundi sa mga mamamayang nakapaloob dito. Ang sanhi ng kahirapan ay ang katamaran, korupt na pulitiko at kawalan ng kaalaman sa edukasyon. Ang kasalukuyang sistema ng gobyerno man o pederalsimo o awtonomiya, hindi uunlad ang bansa kung hindi tayo, mga Pilipino magsisimula sa ating kani-kaniyang sarili.
Mahaba-haba pa ang proseso subalit walang pagbabago ang hindi nagsisimula sa mahirap na pakikibaka sa kasalukuyan tungo sa ikauunlad ng sambayanan. Isang matalinong pagpapasiya at displina sa sarili ang kailangang maintindihan ng maraming Pilipino dahil sa kalooban ng isang tao nagmumula ang matuwid at tunay na pagbabago at sundin ang kanilang kagustuhan.
PMCJr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest