Serial rapist at gunrunner, huli sa Abra

Police Patrol

Baguio City – Huli ang diumano’y serial rapist at gunrunner na matagal nang nagtatago sa mga otoridad sa bayan ng Villaviciosa, Abra noong Agosto 15.

Nahuli ng CIDG-Abra, mga operatiba at lokal na police ang suspek na si Lorenzo Asuncion Barber alias “Jojo”, 46 anyos, mula sa barangay Nagtipulan, Lagangilang, Abra; sa bahay nito sa Barangay Tuquib, Villaviciosa noong Martes.

Kabilang diumano si Barber sa Tamo Group, isang unlisted criminal gang na sangkot sa illegal gun trading business sa Abra at kalapit na probinsiya; at wanted sa limang kaso ng rape ng Regional Trial Court Branch 2 sa Bangued, Abra.

Dinala ang suspek sa CIDG-Abra office bago ito tuluyang dalhin sa Abra Provincial Jail, ngunit maaari itong magbayad ng pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga ng P600,000, ayon sa otoridad, habang ang kaso nito ay dinidinig sa korte. ACE ALEGRE