People’s City 2025, sentro ng SOCA ni Gualberto

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, LA UNION – Idiniin ni Mayor Hermenegildo A. Gualberto ang pagiging “People’s City 2025″ ng lungsod sa kanyang unang State of the City Address (SOCA).

Ang SOCA ay taunang paglalahad ng report at accomplishment na kinapapalooban ng mga prayoridad na programa at proyekto na inihayag ni Gualberto noong ika-1 ng Pebrero 2017 kasabay ng fifth regular session ng Sangguniang Panglungsod na pinamunuan ni Vice Mayor Alfredo Pablo R. Ortega sa People’s Hall, City Hall.

Dinaluhan ito ng mga department heads at kawani ng city government sa pangunguna ni city administrator Ernesto Datuin, mga Punong Barangay sa pamumuno nina LIGA president Mannix Ortega at executive vice president, councilor Alejandrino Mondina Jr.at sa ilang partners ng development mula sa government at non-government association.

Naunang binanggit ni Gualberto ang five major programs tulad ng desenteng trabaho at negosyo, maaasahang serbisyong pangkalusugan, kalidad na edukasyon para sa kabataan, payapa at matatag na komunidad at mapagkakatiwalaang social services, at pangangalaga sa kalikasan.

Aniya, sa loob ng kanyang pitong buwan na panunungkulan bilang mayor ay hindi siya nakaiwas sa mga “ups and downs” na inihalintulad niya sa isang roller coaster ride ngunit, aniya, ang mga ito ay nalalagpasan at naitutuwid ang mga pagkakamali.

Inisa-isa ng alkalde ang kanyang mga naging accomplishment. Simula noong July 2016 ay nagpapatuloy pa rin ang City Development Strategy na naka sentro ang istratehiya at vision ng Northern Luzon’s Center for Health and Wellness by year 2020.

Ang mga naunang programa na naipatupad na ay ang Model Health and Wellness Barangay Program na tumutugon sa mga pangangailangan sa mga barangay.

Buong suporta ring katuwang ng alkalde si First District Representative Pablo C. Ortega na nanguna para sa vision ng Northern Luzon’s Center for Health and Wellness by 2020.

“Sa Social Protection naman ay ito po ang puso ng ating paninilbihan gusto po natin magkaroon ng malaking impact sa kabuhayan ng ating mga kapatid sa baba.

“Kaya from P270,000 noong isang taon, ginawa nating P3milyon ang budget para sa A.I.C.S. or Assistance for Individuals in Crisis Service ngayong taon. From July to December last year, we catered to 187 clients with a total amount of P828,000 issued.

“Naglungsad rin tayo ng Community Based Drug Rehabilitation program na ito ay ang Lakas ng Pagbabago or LNP. We found a working formula in rehabilitating lives and providing opportunities for transformation,” saad ng alkalde.

“Ayon sa ating city PNP, malaking dahilan ng pagbaba ng crime and violence sa ating siyudad ay dahil sa pinaigting na police visibility sunod sa mandato ng Pangulong Rodrigo Duterte na puksain ang illegal na droga sa bansa.”

Ipinakita rin ang vision ng People’s City 2025 sa hashtag na #TheSanFernandoWeWant.

“First, we want to establish efficiency and integrity as foundations of our government’s systems, projects and programs.”

“We want to be rooted and grounded on the people’s trust and confidence with the aid of technology. We shall enhance the quality of our services.”

“The Human Resource office will also develop a manual of operations to standardize its operations and focus on the implementation of the Strategic Performance Management System to enhance performance as a basis for employees’ bonus,”

“Samahan po ninyo kami para sa pantay-pantay at sabay-sabay nating iangat ang San Fernando na para sa lahat,” pagtatapos ni Gualberto. ABN

Amianan Balita Ngayon