Some people nowadays are afraid to cross pedestrian lanes simply because of over-speeding vehicles even if the traffic light is red, that means stop. Biruin mo naka-red na ang traffic lights pero sige pa rin, wala nang madaanan sa pedestrian lane dahil dito na mismo inihihinto ng mga driver ang kanilang sasakyan. Kapansin-pansin yan along Harrison Road. Sa mga pedestrian lane naman sa Baguio na walang traffic lights, balita namin dumadami ang mga walanghiya at kulang sa disiplina na driver. Sige harurot si hari ng kalsada! Ayan tuloy may na-hit and run noong nakaraan, walang may alam kung sino ang may gawa kaya nailibing ang kawawang nurse na walang hustisya. May balita pang hi-nit and run na bata ngunit walang nakakita at wala rin kasing CCTV sa Bokawkan, ayun pilay na forever.
Isa pa itong may ari ng USO 484 Black Trail Blazer, hi-nit and run din ang isang sasakyan na maayos namang naka-parada pero akala mo siguro walang nakakita sayo noh? Haaay, tao nga naman walang disiplina kaya ngayon kailangan niyo na pong masample-an! Eto pa si Manong na driver ng AVK 257 na isang jeep, inatrasan naman ang isang sasakyan along Patriotic last week. Kaloka kayo! Hindi kayo Kadungngo-dungngo pag ganyan.
Kaya maganda kung ma-aprubahan ang Proposed Ordinance Number PO 0069-17 introduced by City Councilor Lilia Farinas entitled “Amending Article X Section 1 of the Transportation and Traffic Ordinance of the City entitled: Speed Restriction and hereby declaring areas in the City to be establish as Strictly No Speeding Zones or Show Speed Zones.”
Councilor Farinas said, “This is mostly on city business district (CBD), schools, church, hospitals and industrial buildings. This is of course in partnership with the Baguio Police City Office. Strict implementation and sample-an na natin para magkaroon ng disiplina at matakot na silang mag over-speeding.” However, with the lack of police officers, hand in hand help from the barangay officials is also needed just as in the Bible (KJV) 1Timothy 2:2 says “For Kings, and for all that are in authority; that we may lead a quiet and peaceable life in all godliness and honesty”.
Kayo naman kasi mga Kadungngo-dungngo parang hinahabol niyo si Kamatayan, basta-basta naman kasi ang mga galaw niyo. Naka-inom, nagte-text at may kausap sa telepono. Minsan, alam niyo na ngang pa-curve sige pa rin ang harurot at overtake, alam niyo naman na bawal mag-park doon sige pa rin. Meron na ngang “No Loading and Unloading” talagang doon niyo pa ipa-park. Alam niyo ngang “Stop” ihahabol niyo pa. Matakot naman kayo na wala na kayong maiuwi sa pamilya sa pagkahuli niyo dahil sa mga violation. Mahiya naman po kayo sa dami ng violation na nagagawa niyo. Hindi po namin nilalahat pero tama lang sigurong ma-aprubahan at ma-istriktuhan na ang mga nag o-overspeeding para respetuhin niyo naman ang otoridad. Magtulungan tayo mga Kadungngo-dungngo, isumbong sa mga malapit na police station ang mga barumbadong mga loko, dahil hindi kami magsasawang ipaalala sa inyo “Ti Panagtinnunos nga Agtrabaho mangiturong iti Panagprogreso”.
September 11, 2017
September 11, 2017
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024