PEZA law sa ilalim ni Duterte paiigtingin sa ecozone ng Baguio

Nagkaroon ng pagkakataong idinaos ang dalawang araw na Luzon Ecozone Summit sa lungsod na pinangunahan ni PEZA Director General BGen. Charito B. Plaza na dinaluhan rin ng ilang gobernador, city at municipal mayors, pribado at publikong pinuno ng ahensya, business chambers, mga may pag-aari ng lupain, mga dayuhan at ilang lokal na tagapagsalita.

Naunang binuksan ni Plaza ang hinaharap sa kanyang panunungkulan bilang katiwala ni Pangulong Rodrigo R. Duterte bilang pangkalahatang tagapamahala ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa kanyang pag-amin simula nang sumama sa mga lakarin si Plaza ay nakita niya rito kung paano ginagampanan ng pangulo ang kanyang tungkulin na pumapasan sa lahat ng mga problema at suliranin ng bansa.

Naging agam-agam dito ang mga kumontra sa pangulo noong naipatupad at patuloy na pinaiiral ang war against illegal drugs.
Naging isa sa malakas na bisig ng pangulo si Plaza dahil sa taglay nitong tapang at malasakit.

Sa mga mensahe at pahayag na binitawan ni Plaza sa summit ay nagpapatunay ang lubos na pagsuporta nito sa pangulo.

“Ang PEZA ay nagnanais na lumikha ng mas maraming pang-ekonomiya zone at upang magpatuloy sa pagbibigay at maging masiglang mamumuhunan at maraming pang-industriya sa Pilipinas upang maging kaakit-akit sa mga dayuhang mamumuhunan sa pangangasiwa ni Duterte ay sinusubukan na itaas ang kita para sa susi ng mga programa.”

“Inaasahan din ang suporta na maibibigay sa Cordillera na lalong mapalakas at magkaroon ng maraming trabaho sa economic zone sa Loakan,” aniya.

“Magtatayo tayo ng special economic zones sa bawat probinsya, city at rehiyon nationwide, dahil hindi namin nais mag-iwan ng anumang mga inabanduna o nakatiwangwang na lupain.

Maliban sa war against illegal drugs ay nais ng pangulo na ipairal na rin ang war against poverty, war against unemployment and under employment, war against under development,”ani Plaza. ABN

Amianan Balita Ngayon