Phaseout ng jeepney, inayunan ni Domogan

Mar 3, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Sumang-ayon si Mayor Mauricio Domogan sa planong phaseout ng jeepney sa kabila ng kamakailang isinagawang kilos-protesta ng mga transport groups sa lungsod upang kontrahin ito.
Sa kanyang Ugnayan ay nagpahayag ang alkalde ng kanyang pagsang-ayon na ipagbawal ang pagpapasada ng mga lumang jeepney na may edad 15 taon pataas.
“It’s high time that we should totally ban the importing of a second hand vehicles, let us not also forget yung ating environment,” ani Domogan.
Aniya, kung hindi maalis ang mga lumang jeepney ay baka mas lalong makaapekto sa kalidad ng hangin sa Baguio at lalo na sa kalusugan ng tao na makakalanghap ng maitim na usok galing sa mga lumang sasakyan.
Nais umano ng alkalde na maging environmental friendly vehicle ang siyudad.
Panawagan niya sa gobyerno na tumulong maglabas ng bagong motor vehicle na kayang bilhin ng mga bawat operator at drayber ng pampublikong sasakyan. Hinihiling pa niya na magbigay din ang gobyerno ng programa para matulungan ang bawat may-ari ng pampublikong sasakyan na palitan at baguhin ang kani-kanilang sasakyan.
Dagdag pa ni Domogan na tinututukan ngayon lokal na pamahalaan ang pagpapatupad sa  ordinansa sa anti-smoke belching at kasama na rito ang jeepney phaseout.
Sa kabila ng pagsisita ng kinauukulang ahensiya at pamahalaan sa mga may-ari ng sasakyan ay marami pa ring hindi sang-ayon sa ipinapatupad na ordinansa.
Kamakailan lamang ay nagtipon ang lahat ng mga operator ng jeepney kasama ang kani-kanilang drayber dito sa lungsod ng Baguio.
Sa harap ng ahensiya ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ay ipinakita at ipinaalam nila ang kanilang hinaing sa usaping jeepney phaseout. Ma. Carmina Lipio, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest