Kabataan ng La Trinidad, nagpagalingan sa mural at poster contest

LA TRINIDAD, Benguet – Nagpaligsahan ang mga estudyante mula sa iba’t ibang high school at kolehiyo ng Baguio at Benguet sa ginanap na mural painting at poster making contest sa pader ng Trading Post noong ika-1 ng Marso 2017 bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Strawberry Festival.
Ito ay may temang “Sustaining the fruits of La Trinidad’s Agro-eco Tourism”.
Dinaluhan ito ng 60 kalahok sa mural painting contest at 16 naman sa poster making contest.
Ang kompetisyon ay may isang katergorya na kung saan nahati sa tatlo o lima kada grupo ang mga estudyante sa mural painting contest habang sa poster making contest naman ay isang entry kada kalahok.
Ayon kay Architect Chester Jon Zambrano, coordinator ng nasabing aktibidad, “We do this activity not just to improve yung ating trading post kundi ma-lessen yung vandalism,  paggamit ng momma at masaksihan din natin kung gaano ka-creative ang ating mga kabataan.”
Ang mga hurado ay sina Architect Hazel Tibangay, Engineer Jasmin Tacio, Tourism Officer Valred Olsim, isang kinatawan ng La Trinidad Trading Post Cooperative, at ang Tam-awan artist na si Eden Cawang.
Ang mananalo sa mural painting contest ay makakakuha ng certificates of participation at cash prize na P6,000. Para naman sa mananalo sa poster-making contest ay mag-uuwi ng P3,000 at certificates.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng La Trinidad Trading Post Cooperative sa pakikipagtulungan ng First Pacific Hardware na nagbigay ng mga pintura para magamit ng kalahok. Rica Gil, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon