LUNGSOD NG DAGUPAN – Hinihikayat ng Provincial Health Office (PHO) ang mga local government units ng Pangasinan na magtatag ng Local AIDS (acquired immune deficiency syndrome) Councils upang mapalakas ang lokal na pagtugon laban sa nakakamatay na sakit.
Sinabi ni Frank Kenneth Dacion, nurse ng PHO na kailangan lumikha ng Local AIDS Councils upang masupil ang lumalalang mga kaso ng HIV (human immunodeficiency virus) at AIDS sa bansa, an ang mga council na ito ay makakatulong sa pagkakaroon ng mahahalagang polisiya para sa prevention at control ng paglaganap ng HIV/AIDS.
Sa Pangasinan ayon kay Dacion ay may 97 kaso ng HIV ang naitala ng PHO mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito. Sinabi niya na maliban sa kampanya ng PHO ay ang pasasagawa ng public education sa HIV/AIDS para lalong itaas ang kamalayan ng tao ukol sa kahalagahan ng pagsasagawa ng ligtas na pagtatalik at malaman ang kanilang estado sa pamamagitan ng HIV testing.
Hinimok din niya ang bawat isa ng maniwala sa kapahamakang dulot ng HIV na isalilalim ang sarili nila sa pagsusuri at kumuha ng mga serbisyong handog ng gobyerno.
“HIV test is free and confidential. Huwag matakot magpa-HIV test,” pahayag niya. Dagdag niya na ang mga may reactive results ay kailangan mai-refer sa HIV treatment hubs gaya sa Region 1 Medical Center upang makakuha ng treatment at management ng HIV-related illnesses.
Mayroon ding benefit package ang Philippine Insurance Corporation para sa HIV/AIDS na nasa PhP30,000 o PhP7,000per quarter at maaaring makuha sa alinmang accredited HIV treatment facility ng isang aktibong miyembro at/o kwalipikadong dependent.
Gayundin, hinikayat ni Dacion ang paggamit ng ABCDEF ng Department of Health upang mahadlangan ang pagkahawa ng HIV/AIDS at iba pang sexually-transmitted diseases. “ABCDEF stands for Abstinence, Be mutually faithful, Correct and consistent use of condoms, D is for Don’t do drugs/Don’t share needles in syringes, E for Education and right information and F for Follow up every three to six months,” aniya.
Isa pa ay hinimok ni Dacion ang mgapamilya na maging bukas sila at tanggalin ang hiya sap agusap ukol sa pagtatalik dahil nagiging mas komportable ang kabataan na pag-usapan ito kung iniisip nilang walang humahatolsa kanila.
Para sa diskusyon sa sexual education, maaari ding humingi ng tulong ang sinuman mula sa PHO sa pamamagitan ng kanilang Facebook page: Usapang SEKSI (Sexual Education para sa Kabataan Sa Pangasinan Itinataguyod) Pangasinan.
Ang HIV ay isang virus na umaatake sa immune system ng katawan na nagiging sanhi ng AIDS kung saan ang mga apektado ng sakit na ito ay mas madaling kapitan ng iba pang nakakamatay na kondisyon na karaniwang prinoprotektahan sana ng isang malusog na immune system.
AMB-PIA/PMCJr.-ABN
November 1, 2019