2 Top Most Wanted Person, 69 pa nahuli sa Cordillera

LA TRINIDAD, Benguet – Dalawang Cordillera’s top most wanted person, tatlong provincial level at 66 pang nagtatago sa batas, ang magkakasunod na nadakip mula sa pina-igting na Simultaneous Anti- Criminality and Law Enforcement (SACLEO), ayon sa ulat ng Police Regional Office-Cordillera.
Nabatid kay Police BGen. Israel Dickson, regional director, ang dalawang Regional Top Most Wanted Person na may kasong Rape na walang kaukulang piyansa ay sina No.9 Oliver Langpawen Falancy, ng Sebang, Buguias, Benguet at Orlando Daluyon Bidoc, No. 10 TMWP, ng San Gregorio Luna, Apayao.
Labis na pinuri naman ni Dickson ang Benguet Provincial Police Office, sa pagkakadakip sa tatlong wanted person ng lalawigan. Kinilala ang mga nadakip na sina No.3 TMWP Dixie Baw-An Lalong; No.4 Rico Paraiso, na may kasong statury rape at No.10 Marcelo Casaldo Cambato.
Ang tatlong nadakip ay walang kaukulang piyansa. Sa municipal level, nadakip ang No.1 TMWP ng Tabuk City, Kalinga na si Barnabas F. Alinao, sa kasong murder; No.5 ng Buguias,benguet na si Glen Tacio Dangowan, sa kasong RA 7610 at No. TMWP ng La Trinidad, Benguet na si Ceasar Pagian Lordios, sa kasong Qualified Theft.
Ayon pa kay Dickson, 63 pang wanted persons ay nadakip sa iba’t ibang lugar sa rehiyon. Sa talaan, ang Baguio City Police Office (BCPO) ang may pinakamataas na nahuling wanted person sa iskor na 22; pangalawa ang Benguet PPO-17; Kalinga at Abra na may tig-6 na arrest, samantalang ang Apayao, Ifugao at Mt. Province ay may tig-apat na arrest.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon