PHP3.4-M TULONG PANGKABUHAYAN NG DOLE SA MGA REBELDENG NAGBALIK-LOOB SA APAYAO

KABUGAO, Apayao

Dalawampu’t-limang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kulong na probinsiya ng Apayao ang nakakuha ng pangalawang pagkakataon sa buhay na isang probisyon ng tulong pangkabuhayan mula sa gobyerno. Sinabi noong Miyerkoles (Mayo 10) ni Jane Adalan, provincial director of the
Department of Labor and Employment, na may kabuuang PhP3.4 milyon halaga ng tulong pangkabuhayan ang ibinigay sa mga dating rebelde kabilang ang iba’-t-ibang asosayon ng maga magsasaka, at mga may kapansanan noong Mayo 9 upang tulungan silang makapag-umpisa ng kanilang sariling negosyo o maituloy ang isang kasalukuyan.

“The checks and packages worth PHP3.4 million benefited 25 former rebels, seven PWDs, two solo parents, 18 regular individual beneficiaries, and four community associations,” aniya sa isang media interview. Bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno ng probinsiya na isulong ang kapayapaan at katatagan sa probinsiya ay sinabi ni Gov. Elias Bulut Jr. na ipinagpapatuloy ng kaniyang administrasyon na tugunan ang mga problema ng insurhensiya sa pamamagitan ng tulong pangkabuhayan sa mga nangangailangan.

“One of our 10-point agenda is to expand welfare services and part of it is to have a sustainable livelihood programs for the poor, disadvantaged, and vulnerable sectors,” sabi niya sa isang naunang panayam. Idinagdag niya na lahat ng bumabalik na mga miyembro ng NPA na nais makisama sa pangunahing lipunan ay tatanggapin at makakatanggap ng PhP20,000 tulong pinansiyal at isang probisyon ng maliit na pagkakakitaan na kanilang napili.

“We continue to address the concerns of the people, particularly in the former stronghold of the NPA, where the issue of livelihood assistance has been the foremost concern,” ani Bulut. Ang pagbibigay ng tulong pinansiyal ay bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno, na nagbibigay suporta sa mga dating rebelde na sumuko at sumasailalim sa proseso ng reintegration.

Ang Apayao na dating kuta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPPNPA) noong 1980s at unang bahagi ng 1990s, partikular sa Marag Valley sa bayan ng Luna na siyang dati nilang pinagkakampuhan. Subalit sa nagpapatuloy na adbokasya ng gobyerno sa kapayapaan at interbensyon sa pagunlad gaya ng pagpapagawa ng mga daan at iba-ibang proyektong imprastruktura, sa ngayon ang Marag ay kilalang-kilala na bilang isang lugar ng eco-tourism sa probinsiya na nagbibigay ng matatag na pinagkakakitaan ng iba’-ibang tourism stakeholders sa lugar.

(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon