PICK-UP NAHULOG SA BANGIN 7 KATAO SUGATAN SA KALINGA

TABUK CITY, Kalinga – Pitong katao ang sugatan, samantalang himalang hindi nasugatan ang 9 months old male baby, matapos mahulog ang kanilang sinasakyang pick-up malapit sa boundary ng karatig-bayan ng Rizal sa Sitio Ileb, Nambaran, Tabuk City, Kalinga, hapon ng Agosto 3. Ayon sa imbestigasyon ng Traffic Management Unit ng  ng walong katao ang kulay puting pick-up na may plakang SKW 454 minamaneho ni Jayvee Mangada,22,ng Rizal,Kalinga, nang aksidenteng mahulog sa 10-metrong lalim ng  Cagayan road, dakong alas 5:50 ng hapon.

Ang mga biktima ay nagmula sa Iloba Resort patungong Rizal, Kalinga. Ayon kay Ladilyn Balawag Dangilan, na convoy ng nasasangkot na sasakyan, nakakita sila ng nahuhulog na bato na nagmumula sa bumagsak na bundok na muntik nang makabunggo sa sasakyan ngunit umiwas ang driver para maiwasan ang mga nahuhulog  na bato dahilan upang mahulog sila sa bangin.

Kinilala ang mga lulan ng sasakyan na ngayon ay ginagamot sa ospital na sina Theresita Casibang, 65, na may
fracture sa mga hita at kanang braso; Monaliza Ramilloza,30, Barangay Health Worker, na nagtamo ng open wound at forehead, unconcious; Rica May Macasaddog, 23, nagtamo ng close fracture at right forearm, unconscious.
Sugatan din ang drabber na si Mangada, na nagtamo ng multiple abrasions, open wound on head; Analiza
Macasaddog,30, with minor wounds; Xymon Baldo Macasaddog,9 months old male; Santos Macasaddog, 72,
with right abrassion at right chest, swelling on occipital area; and Biado Pablito,65, with pain at neck, abrasion at left
foot.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon