TUBA, BENGUET – Natagpuan ang bangakay ng pinaghihinalaang drug pusher na itinapon sa San Pascual, noong Agosto 7 ng umaga.
Nakita ang katawan ni Proseso Arboleda Arevalo Jr., 54, residente ng Victoria Village sa Baguio City, na nakahandusay na may belt na nakatali sa kaniyang leeg habang ang kaniyang mukha, mga kamay at paa ay nakatali ng packing tape sa isang riprap stone wall sa provincial road ng Sitio Tarong, Barangay San Pascual, dito.
Nakita ng mga imbestigador sa lugar ng pinangyarihan ang plakard na may nakasulat na “Ako’y Pusher” at “The Punisher” na naka-tape sa katawan ni Arevalo.
Ayon sa ulat, umalis diumano sa Arevalo sa kaniyang bahay bandang 9:30pm ng Agosto 8 patungo sa kaniyang sasakyang nakaparada sa kalsada, nang may isang di kilalang lalaki ang bumaba sa isang dark blue Pregio van na may plakang XBG 573, na nakarehistro sa pangalan ni Diosdado Nasic at sapilitang itinulak ito sa loob.
Ang insidente, ayon sa pulisya, ay nasaksihan ng anak ni Arevalo na si Ghia Junelle Arevalo.
Naunang napag-alaman ng mga otoridad ng Tuba bandang 5am ng Agosto 7, namumutol si Junio Gabriel Luis, 47, magsasaka at residente ng Tarong, San Pascual, ng damo para sa kaniyang mga baka nang mapansin nito ang katawan ni Arevalo. A.ALEGRE
August 15, 2018
August 15, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025