P29.2-M marijuana, sinunog sa Kalinga

CAMP BADO DANGWA, Benguet – Muling nakadiskubre ng malawak na plantasyon ng marijuana na may halagang P29.2 milyon sa dalawang araw na operasyon ng mga elemento ng anti-illegal drugs task force ng Police Regional Office-Cordillera sa Brarangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga, noong Agosto 8.
Pinagbubunot at sinunog sa lugar ng magkakasanib na puwersa ng Kalinga Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 15, Tinglayan Municipal Police Station, Kalinga Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, ang may 146,200 puno ng marijuana plants mula sa 17 plantasyon na may sukat na 19,510 square meters.
Labis na pinuri ni Chief Supt. Rolando Nana, regional director, ang mga operating units sa patuloy na pagsugpo sa mga plantasyon ng marijuana sa ilang bahagi ng rehiyon.
Aniya, ang matagumpay na operasyon ay naisagawa sa tulong ng ilang komunidad para sugpuin ang illegal na droga sa kani-kanilang lugar. “Patuloy ito, at umaasa kami na patuloy din ang suporta ng mamamayan laban sa droga at kriminalidad sa rehiyon.” ZALDY COMANDA

Amianan Balita Ngayon