PINDANG FESTIVAL, MATAGUMPAY NA IDINAOS SA MANGALDAN, PANGASINAN

Photo Caption: Pinangunahan ni Mayor Bona Fe De Vera-Parayno ang pag-sindi ng mga ihawan sa ginanap na Pindang Festival sa Mangaldan Pangasinan noong Marso 11.

Photo by Godwin Anthony Niduaza/ABN

 

MANGALDAN , Pangasinan

Kalutan, Tugtugan, Tan Sayawan ed Dalan, ang naging tampok sa masayang selebrasyon ng Pindang Festival 2023 sa bayan ng Mangaldan,Pangasinan,noong Marso 11. Pinangunahan ni Mayor Bona Fe De Vera-Parayno, ang pag-sindi sa may 600 nakahilerang ihawan na nagging highlights ng selebrasyon, kasabay ang tugtugan ng mga banda na naka-puwesto sa bawat kanto
sa lugar. Ang Pindang ay lokal na kilala bilang masarap at malasang “tapa” (tuyong karne ng kalabaw) na iniihaw sa buong bayan tuwing kapistahan.

“Ang aming inihanda ngayon ay 3x larger than the previous one. Kaya ngayon, 9 ang banda natin and manggagaling sa dulo ng market hanggang sa dulo din sa Rizal Avenue,” pahayag ni Parayno.
Ayon naman kay Aji Cabrera, chief admin officer , “it’s around 580 to 620 grills ang nandito ngayon as compared to the previous years like nung last year dahil nasa alert level pa tayo.” Aniya, ngayong taon ay natriple ang dami ng mga taong dumagsa sa kapistahan dahil unti-unti ng bumabalik ulit sa normal ang lahat.

Pahayag naman ni Arianne Molina, residente ng Mangaldan, ang selebrasyon ay naging masaya dahil ito ay isang beses lamang nangyayari sa isang taon at maraming magagandang nangyari mula ng mag-umpisa ang Pindang festival hanggang ngayon. Dagdag pa rito, ang Pindang Festival 2023 ay simbulo umano ng pagbangon mula sa pandemya.

Franz Angielyn Olarte-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon