PMA CLASS 2017 ENTRANCE EXAMINATION LALAHUKAN NG 35, 887 APLIKANTE

FORT DEL PILAR, Baguio City – May kabuuang 35,887 aplikante para maging miyembro ng Philippine Military Academy Class 2027 ang lalahok sa Entrance Examination 2022 na isasagawa sa iba’t ibang
lugar sa Mindanao, Visayas at Luzon testing center. May kabuuang 9,444 aplikante mula sa Mindanao at
Visayas cluster ang naunang naisagawa ang eaxamination na matagumpay na pinangangasiwaan ng
Philippine Military Academy. Sa Mindanao, ang dalawang araw na eksaminasyon ay isinagawa
noong Agosto 27-28 mula sa 14 na lungsod kung saan may kabuuang 6,739 na aplikante ang nakapagtapos ng Cadet Qualification Test.

Sa Visayas Cluster, ang dalawang araw na eksaminasyon ay naisagawa ng 2,705 sa siyam na testing center noong Setyembre 10-11, ay 1,616 na aplikante sa unang araw at 1,089 na aplikante sa ikalawang araw na naitala. Ayon kay Lt.Col. Mark Anthony Ruelos, PMA information officer, ang Luzon ang may pinakamaraming aplikante na may 26,443 na gaganapin sa 25 lungsod sa Setyembre 24-25. “Sa Baguio City testing center pa lang, nasa 2,000 na ang mga aplikante at maaaring tumaas ang bilang dahil papayagang kumuha ng pagsusulit sa maghapon ang mga walk-in na may kumpletong dokumento,” ani
Ruelos.

Sinabi ni Ruelos, pagkatapos ng entrance exam ay ilalabas ang resulta pagkatapos ng isang buwan,
ang mga matagumpay na eksaminasyon ay aabisuhan sa pamamagitan ng postal letter at ito ay ilalathala sa pahayagan at PMA social media page. Sa sulat ay may instruction para sa susunod na hakbang
na physical at medical exam. Ang top 1,500 applicants na sumailalim sa physical at medical exam at ang top 350 na pumasa sa physical at medical exam ay bubuo sa susunod na klase, base sa batas na 20%
allocated sa babae, kaya bale 70 babae at 280 lalaki.

Binuksan ng pangunahing institusyong militar ng bansa ang mga pinto nito sa mga kuwalipikadong indibidwal na may potensyal na katangian na maging bahagi ng Cadet Corps Armed Forces of the
Philippines. Ang PMAEE ay isinasagawa taun-taon upang kunin ang pinakamahusay at pinakamatalino sa mga kabataang Pilipino na nagpasyang tanggapin ang hamon ng PMA: “Ang Maging Katiwala ng Katapangan, Integridad, at Katapatan.

Ang written examination ay naglalayong sukatin ang kakayahan ng pag-iisip ng mga aplikante sa Math Calculation (Algebra, Trigonometry, Geometry, at Basic Statistics), English Reading and Writing
(Grammar, Composition, at Reading Comprehension), at Special Aptitude Test. Ang mga kadete ng PMA
ay magsisilbing opisyal ng militar at pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ang mga benepisyo at pribilehiyong naghihintay para sa mga matagumpay na kandidato sa kadete na bumuo ng PMA Class of 2027, tulad ng marangal na pribilehiyo sa paglilingkod sa bansa at sa mga mamamayan nito, libreng edukasyon sa kolehiyo na may mahusay na kurikulum, buwanang suweldo at allowance na P48,000 kada buwan, progresibong karera bilang Opisyal sa Hukbo, Hukbong Panghimpapawid, o Navy, dalubhasang propesyonal na pagsasanay para sa militar, at pambihirang mga pasilidad sa pagsasanay at billeting.

Zaldy Comanda/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

STILL HERE

Amianan Balita Ngayon