PRO1 naglunsad ng proyektong ‘Patubig Ng Pulis

Headlines

SAN FERNANDO CITY, La Union – Inilunsad ng Police Regional Office-1 ang proyekyong ‘Patubig ng Pulis’ para sa mga komunidad na hirap na magkaroon ng suplay ng tubig sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

Nabatid kay PRO1 Regional Director BGen. Emmanuel Peralta, sa unang bugso ng proyekto, 13 barangay sa rehiyon ang ngayon ay inuumpisahan sa pamamagitan ng Bayanihan System, sa pangunnguna ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 1 at Provincial Mobile Force Company, na nageffort na maisulong ang proyekto.

“The impact project named ‘’Patubig Ng Pulis (PNP)” was conceptualized to generate water supply systems in areas where water is scarce. It also aims to provide access and supply of potable water in remote barangays and aid local farmers in their agricultural needs, “ pahayag ni Peralta.

Ayon kay Peralta, ilan sa mga water supply systems ay unang naibigay na sa Barangay Macalva Norte at Barangay 26, Sitio Bugas, Pulangi, Bacarra, Ilocos Norte , samntalang ang 11 pang proyekto na ngayon ay under construction ay ang Barangay Barlo, Mabini, Pangasinan; Zone 7, Brgy Calapugan, Natividad, Pangasinan; Sitio Deccan, Brgy. Puguil, Santol, La Union; Brgy Taleb, Nagbukel, Ilocos Sur; Brgy Buliclic, Sta Lucia, Ilocos Sur; Sitio Liwliwa, Brgy. Mabuti, Marcos, Ilocos Norte; Brgy. Bomitog, Banna, Ilocos Norte; Sitio Lamagan, Brgy. San Luis, Cervantes, Ilocos Sur; Brgy. Lubong, Sta. Lucia, Ilocos Sur; Sitio Mantedted, Brgy. San Felipe West, San Nicolas, Pangasinan at Sitio Kaging Purok 7, Brgy. Tambobong, Dasol, Pangasinan.

“Water is an important nutrient of our body and in our way of life. In some areas of Ilocos Region, scarcity of water supply seems to be a community problem. The installation of jetmatic water pumps and deep wells to our beneficiaries will contribute to the sustenance of a healthy and productive community; because there is peace and unity in a healthy and productive community,” wika pa ni Peralta.

Aniya, layunin din ng proyekto para suportahan ang komunidad mula sa programa ng pamahalaan na to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) sa rehiyon.

Sa kasalukuyang proyekto ay mahigit sa 369 household ang naging beneficiaries at ang PRO1 ay patuloy na magsasagawa ng mga proyekto at programa para sa pangangailangan ng bawat barangays tungo sa pagkakaisa,lalo na sa panaghon ng pandemya.

Zaldy Comanda/ABN