LA TRINIDAD, Benguet – Sa unang pagkakataon, pinangunahan mismo ni Police Regional Office-Cordillera Director Police Brigadier General R’win Pagkalinawan ang dalawang araw na marijuana eradication sa kabundukan ng Kibungan,Benguet.
Kasama ni Pagkalinawan si Police Colonel Mafelino Bazar, deputy director for operation, na backed-up ng 100 policemen in full battle gear na pinangunahan ni Police Colonel Elmer Ragay, provincial director ng Benguet Provincial Police Office at nilakad ang kabundukan ng anin na oras noong Marso 5 – 6.
Ayon kay Ragay, pitong plantation sites sa Barangay Tacadang ,Kibungan, Benguet ang itinuro ng kanilang informant na may mga ttanim na marijuanan.
Aniya ang operation ay bahagi ng kanilang follow-up sa naunang marijuana eradication noong Pebrero 29 sa Barangay Badeo, ng nasabi ding bayan.
May kabuuang 40,000 fully grown marijuana plants ang pinagbubunot at sinunog sa lugar na may DDB value na P10 milyon.
Ayon naman kay Pagkalinawan, ginawa niyang sumama sa eradication bilang suporta sa hirap ng kanyang mga tauhan na patuloy na nagsasagawa ng marijuana operations para masugpo ang iligal na tanim.
Umapela din siya sa mga residente na ipagpatuloy ang suporta sa gobyerno para sugpuin ang illegal drugs, lalong-lalo na ang marijuana sa pamamagitan ng impormasyon at hiniling din nito sa municipal government officials, maging sa barangay na gumawa ng resolusyon sa pagdedeklara ng “persona non-grata” sa mga cultivators at drug pushers.
Zaldy Comanda/ABN