BAGUIO CITY
Mahigpit na pinag-iingat ng City Health Services Office ang publiko laban sa sakit na Leptospirosis ngayong panahon ng tag-ulan. Ang Leptospirosis ay isang uri ng sakit na nakukuha mula sa ihi ng daga. Ang paglusong sa baha na nahaluan ng ihi ng daga ay isa sa mga pinakakaraniwang sanhi ng pagdapo ng sakit, lalo na’t nakapasok ito sa iyong sugat.
Ayon kay Dra. Donnabel Panes, ang Medical Officer ng City Epidemiology and Surveillance Unit, ang pinakamabisang depensa laban sa pagdapo ng Leptospirosis ay ang rodent control sa mga lugar na madalas pugadan ng mga daga,tulad ng palengke at kabahayan. Paalala rin ni Panes na magsuot ng tamang personal protective equipment o PPE kung kinakailangang lumusong sa baha.
“Kung may posibilidad na lumusong sa bahang nahaluan ng ihi daga, maaring kumuha ng prophylaxis galing sa mga Health Center, at kung nakakaramdam ng lagnat o sakit sa mga kasu-kasuan, ugaling mag patingin agad sa doktor,”pahayag ni Dra. Panes.
By: Vannah Carlos /UC Intern
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024