PULIS NA, TITSER PA!

Sa lalawigan ng Apayao, ang mga kapulisan ng Apayao Police Provincial Office (PPO) ay masayang nakapagturo at nakapagbigay ng aral sa mga grade 7 students ng Bac-da National High School sa Brgy. Bacsay sa bayan ng Luna. Ito ay bilang bahagi ng kanilang “Mistara U, Pulis U” best practice at sa pakikipag-ugnayan ng mga kawani ng Department of Education sa ilalim ng kanilang Brigada Pagbasa Project, sila ay bumisita sa nasabing paaralan upang tumulong sa pagtuturo sa pagbabasa at pagsusulat sa mga mag-aaral na nasa ika-pitong baitang.

Photo courtesy PROCOR-PIO

Amianan Balita Ngayon