Pulis unang kaso ng Covid sa Sagada

MOUNTAIN PROVINCE — Sakabila ng paghihigpit ng local na pamahalaan ng bayan ng Sagada sa lalawigan ng Mountain Province na walang makakapasok na sinumang taong labas ay hindi pa rin anpigilan ang pagkakaroon ng isang kaso ng Covid-19 na kung saan ay isang opisyal ng pulis ang naitalang unang biktima ng kasong Covid-19 sa bayang ito.
Sa ulat ng Facebook page ng Mountain Province Provincial Health Office (MPPHO) inulat na ang unang kaso ng Covid-19 sa bayang ito ay isang 29 anyos na lalaking police officer ang tinamaan ng Covid-19 na ayon sa MPPHO ay wala umano itong travel history.
Iniulat din ng MHHPO na ang pasyente ay “asymptomatic” ay kasalukuyan ng inilagay sa isang isolation facility. Ang naturang pasyente ay naitala noong Agosto 9, 2020. Samantala sa bayan ng
Bontoc, sa lalawigang ito ay may naitala rin noong nakaraang Lingo na isang police officer na kung saan ay nakatalaga ito noon National Capital Region bago pa ito nailipat sa Mountain Province.
Sa ulat ng MPPHO bago ito dinala sa Bontoc ay nagreport umano ang nasabing pulis sa Camp Bado Dangwa noong July 20 hanggang July 29, bago ito lumuwas patungong Bontoc noong July 30.
Ang nasabing pulis ay inilagay na sa isang isolation facility sa bayan ng Bontoc. Sa Ngayon ang lalawigan ng Mountain Province ay may 8 kaso ng Covid-19 at tatlo saw along pasyente ay active cases.
At dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lalawigan ay nanawagan ang tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga taga Mountain Province na mag-inagt at panatilihin ang physical distancing at pagsusuot ng face mask at maiging obserbahan ang health protocol na ipinapatupad ng gobyerno.

Amianan Balita Ngayon