P110 M FMR sa Ifugao gawa na

BANAUE, IFUGAO – Pinangunahan ni Ifugao Gobernor Jerry Dalipog at ni Army Brig.Gen.Laurence Mina ng 5th Infantry Division Philippine Army ang isinagawang groundbreaking sa isasagawang pagsasaayos ng kalsada sa liblib na lugar sa bayan ng Asipulo na nagkakahalaga ng P110 milyon.
Ayon kay Maj. Noriel Tayaben, division public affairs officer, matapos aniya ang naganap na ground breaking ceremony ay isinagawa rin ang pirmahan ng Memorandum of Partnership Agreement
(MOPA) sa pagitan ng pamahalaang local ng Ifugao ng PA.
Ang kalsada ay may haba na 4.4-kilometer na farm to market road sa barangay ng Namal sa bayan ng Asipulo. Ang liblib na barangay ng Namal ayon kay Tayaben ay isa sa mga “strong hold” ng CPPNPA na nasa ilalim ng Kilusang gerilya ng Ifugao.
Lumaya lamang ito aniya mula sa mga rebelde mula noong bantayan ito at magsagawa ng clearing operation ang 54th Infantry Battalion sa ilalim ng 5th Infantry Division at ng matapos ang nasabing “clearing operation” ay ibinigay ito Provincial and Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF/MTF/ELCAC) upang magsagawa ito ng development sa nasabing barangay.
Ayon naman kay Grace Tayaban,punongbarangay ng Namal barangay ang kanilang lugar ay isa sa kinikilalang agricultural area na kung saan ang mga residente sa nasabing barangay ay tanging pagsasaka lamang ang kanilangpinagkukunan ngikinabubuhay.
Idinagdag p niya na kung sakaling matatapos ang nasabing kalsada ay malaking tulong ito upang maabot ang sitio ng Nangkatengey, at Numpaling na magiging maayos ang daan upang maitawid nila sa kabayanan ang kanilang mga prodkto mula sa kanilang mga bukid. Nagpasalamat din siya sa mga miyembro ng Philippine Army sa kanilang isinagawang tulong upang mawala ang presensya ng mga rebelde sa kanilang lugar.
“This project of the government will surely improve the lives (of) people and help in the development of my barangay,” Ani Tayaban. Nakapaloob sa kanilang MOPA, na ang 5ID ay tutulong sa local na pamahalaan ng Ifugao sa paggawa ng farm to market road na kung saan ay magbibigay ng “manpower” ang Philippine Amry sa pamamagitan ng kanilang 513th Engineering Construction Battalion.
Sa panig naman ni Ifugao Governor Jerry Dalipog ay hinikayat niya ang kanilang mga kababayan na suportahan ang isinasagawang proyekto na makapagbibigay ng ginhawa sa mga magsasaka sa bayan ng Asipulo. Idinagdag pa niya na suporthan din ang program ng PTF/MTF ELCAC upang magkaroo ng kapayapaan ang lalawigan upang matamo ang kaginhawaan at katiwasayan.
Ang MOPA ay nilagdaan nina 5ID commander Brig. Gen. Laurence Mina, Governor Dalipog, at ni Asipulo Mayor Armando Domilod.
PNA

Amianan Balita Ngayon