Habambuhay na pagkabilanggo at pagbabayad ng multang halos P1milyon ang ipinataw na kaparusahan sa isang tulak ng ipinagbabawal na gamot matapos itong hinatulang guilty ng Regional Trial Court.
Ang hatol ay nagmula sa sala ni RTC Judge Emmanuel Rasing kontra kay Donald Tauli Jr. na nahuli noong Setyembre 3, 2017 sa pamamagitan ng isang entrapment operation ng Baguio City Police Office-Drugs Enforcement Unit (DEU).
Si Tauli ay nagbenta ng 1.43gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa halagang P10,000 kay Police Officer 2 (PO2) Alie Joe Cayad-an na nagkunwari bilang poseur-buyer sa Patria de Baguio building, Session Road, Baguio City.
Nakumpiska rin ang 6.0773gramo ng shabu mula kay Tauli.
Sinampahan ito ng kasong paglabag sa Section 5 (sale and delivery of dangerous drugs) at Section 11 (possession of dangerous drugs) ng Article II ng Republic Act No.9615 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa pagdinig ng kaso, bilang patunay ay iniharap sa korte ang mga saksi na sina Police Chief Inspector (PCI) Rowena Canlas, forensic chemist na nagsagawa ng laboratory examination sa mga item na nakumpiska mula sa suspek; PO2 Cayad-an, poseur-buyer; PO3 Cerel Gaspili, bilang back-up; at PCI Nicomedes Olarte III, na nanguna sa operasyon laban sa panig ng suspek at isang alyas Weng, kasamahan ng suspek na naunang naaresto at nagturo kay Tauli na pinagmumulan ng shabu.
Maliban sa habambuhay na pagkabilanggo ay pinagbabayad si Tauli ng P400,000 para sa possession of dangerous drugs; at habambuhay na pagkabilanggo na walang eligibility of parole kasama ng P500,000 na penalty dahil sa pagbebenta dangerous drugs.
Ayon din sa Office of the Court Administrator (OCA) Circular No. 163-2013, ililipat si Tauli sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, Metro Manila.
Naipasa na ang joint decision sa Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at DEU ng BCPO noong Hunyo 20, 2018. DEBORAH AQUINO, UC Intern
June 23, 2018
June 14, 2025
June 8, 2025
May 31, 2025
May 31, 2025