Natagpuan ang putol na kamay ng tao sa Nangalisan River na boundary ng Mangi, Bayabas, Sablan, Benguet at Tuba, Benguet bandang 1:56pm ng Hulyo 17, 2018.
Ito ay matapos magpunta ang mga tauhan ng Sablan Police Station sa pangunguna ni SPO3 Godfrey C. Cotay Jr. upang beripikahin ang ulat na diumano’y bahagyang nakabaon na putol na kamay ng tao sa buhangin ng ilog.
Napatunayan ng mga rumespondeng tauhan ng SOCO na pinangunahan ni PSupt. Rodrigo Leal na ang kaliwang kamay ay halos dalawa hanggang apat na araw na natanggal mula sa pinaniniwalaang lalaking biktima.
Ang nasabing kaliwang kamay ay nasa kustodiya ng SOCO team at dinala sa La Paz Funeral Homes sa lungsod ng Baguio para sa finger printing at DNA examinations.
Nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Sablan MPS sa mga barangay officials ng Mangi, Bayabas, Sablan, Benguet at barangay officials ng Nangalisan, Tuba, Benguet sa anumang ulat ng nawawalang tao sa kanilang mga barangay.
July 23, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025