High value target ng Ilocos Sur, arestado

Arestado ang number 1 high value target ng Ilocos Sur Police Provincial Office at co-leader ng watchlisted criminal group na Tengsico-Cabreros group na sangkot sa paglaganap ng mga illegal na droga sa 2nd District ng Ilocos Sur, bandang 9:30pm ng Hulyo 17.
Ang suspek na kinilalang si Renato Collado Tengsico aka Lakay/Atong, residente ng Brgy. Poblacion Norte, Santiago, Ilocos Sur, ay nakalista rin sa ilalim ng PRRD Level 2 at tinutugis dahil sa paglabag ng Section 11 ng RA 9165 Comprehensive Dangerous Acts of 2002.
Ang manhunt operation ay isinagawa ng pinagsamang tauhan ng RIU 1, SIB, Caloocan CPS, NCRPO; PIB, ISPPO; PDEU-ISPPO; RID, PRO 1; at Santiago PS, ISPPO sa Caloocan City, Metro Manila.
Ang suspek ay inaresto sa kaniyang inuupahang apartment sa Shelter Ville Subdivision, Brgy. 171 Caloocan City, Metro Manila sa bisa ng warrant of arrest sa pagkakahatol nito ng habambuhay na pagkabilanggo na ipinataw ni Judge Sixto Deompoc ng RTC Branch 72, Narvacan, Ilocos Sur.
Ang kaso laban sa suspek ay mula sa anti-drugs operation na isinagawa sa suspek noong Agosto 29, 2013 sa Santiago, Ilocos Sur na nagresulta ng pagkumpisa ng 11.456 gramo ng methampethamine hydrochloride o shabu na nasa pag-aari, kontrol at kustodiya nito.
Sa naganap na pag-aresto kamakailan ay nakuha sa suspek ang apat na sachet ng heat sealed sachets ng crystal-like substance na hinihinalang shabu at isang timbangan na gagamiting ebidensya upang maipila ang mga kaso. Dinala ang suspek sa Caloocan City Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Amianan Balita Ngayon