PUV modernization forum, isinagawa sa Dagupan

Mar 31, 2018

LUNGSOD NG DAGUPAN – Bilang pilot area sa Rehiyon 1 para sa public utility vehicle modernization program ng gobyerno ay pinulong ng pamahalaang lungsod kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Regional Office 1 at Department of Transportation ang mga operator ng jeepney, mga tsuper at iba pang maaapektuhan ng programa sa isang talakayan sa CSI Stadia noong Marso 23.
Ang modernization program ay hayagang sinusuportahan ni City Mayor Belen T. Fernandez dahil, aniya, sa naturang programa ay masisiguro rin ang kaligtasan ng mga Dagupeño.
“The safety of both passengers and drivers is our priority. Ang isang driver ay may pamilya, ang passenger ay may pamilya— ayaw ko pong may mangyari sa driver o pasahero dahil pamilya ang apektado,” saad ng mayor.
Sinabi ni Fernandez na ang programa ay magsusulong din ng progreso sa lungsod.
“Dagupan is a progressive city and we are always open to suggestions and improvements. We are working on road improvements all over the city, we are also creating new land use which would produce more businesses and more jobs that would generate more passengers for our jeepney drivers,” aniya.
Iginiit ng mayor na ang mga pangamba ng mga driver at operator ay hindi isasantabi sa pagpapatupad ng programang modernisasyon.
“The drivers should not be afraid because I am behind all of them. Makinig sana muna tayo sa kanilang mga sasabihin dahil ang ating gobyerno na ang lumalapit sa atin. We need to open our arms and tell them our concerns so that they can help us. This is also a good thing because they will be taught how to manage the fleet, how to make it workable and profitable for them. Sana maintindihan ng mga drivers kung ano ang gusto ng gobyerno para sa kanila.”
Ipinaliwanag ni LTFRB-RO1 Regional Director Edward L. Cabase na layunin ng forum na maibasura na ang mga sabi-sabi na “anti-poor” o hindi para sa mga mahihirap ang naturang programa.
“The reason we are here is because we are giving you the solution, which is being embraced by the local government for the sake of the riding public and the operators. This forum will also give the operators an opportunity to talk to stakeholders such as Landbank and DBP as we are trying to give them the best financing scheme they could get for the modernization plan. In terms of financing and financial consideration, hindi nila proproblemahin yun because we have our partners,” ani Cabase.
Sa forum ay ipinakita ang pangkalahatang ideya ng PUV modernization program, kasama na ang mga kaakibat na planong pinansyal at ang maaaring kitain ng driver at operator.
Nagsagawa rin ng product presentation ang mga kompanya ng sasakyan gaya ng Star 8 Green Technology, Yutong, Durabus, Jimbel, ISUZU at Tata.
Nagkaroon naman ng pagkakataon na magtanong at magpahayag ng kanilang pananaw ang mga operator at driver sa open forum.
Samantala, isang trial run at test drive naman ang isinagawa ng lungsod noong Marso 22. Libreng isinakay ang mga pasahero sa isang downtown loop-bound Solar E-Jeepney prototype upang maramdaman ng parehong driver at pasahero ang mangyayari sa modernization program.
Nagpahayag ng pag-asa si Mayor Fernandez na kapag nasagot na ang mga alalahanin ng mga tsuper at operator ay magiging bukas na rin ang mga ito sa bagong mga posibilidad at oportunidad na hatid ng jeepney modernization program. V.DEVERA, CIO / ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest