RA No. 9003 – hindi biro

Nov 3, 2018

Marami pa ring Local Government Units (LGUs) sa bansa ang nahihirapang tugunan ang itinatakda ng solid waste management law o ang Republic Act (RA) No. 9003, ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Isang malaking pahirap ay ang malaking nagagastos sa pagpapatupad sa nasabing batas at kawalan ng lupang magagamit at kung mayroon man ay sukdulang tinututulan naman ng mga residente dito. Base sa 2012 statistics ng National Economic Development Authority (NEDA) ay nasa 414 lamang sa kabuuang 1,610 LGUs sa buong bansa ang nakatugon sa kautusan o 25.7 % na compliance rate lamang.
Bagama’t nakatugon ang lungsod ng Baguio sa halos lahat maliban sa wala pang sanitary landfill o alternatibong teknolohiya ay patuloy na malaking problema ng lungsod ang basura. Sa kabila ng nakikinitang krisis sa basura ay pinagsisikapan ng mga opisyal ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Mauricio Domogan na gawin ang lahat ng makakaya para makontrol ang produksiyon ng basura sa pamamagitan ng intensive information education at communication campaign sa solid waste reduction practices. Ngunit ang hakbang na ito ay tila walang silbi dahil sa halip na mabawasan ay mas dumami pa ang basura noong 2017 na 56,000 tonelada at lagpas pa sa yearly average na 50,000 tonelada.
Sa rehiyong Cordillera ay nagsumite ang 75 munisipalidad at 2 lungsod ng kani-kanilang 10-year solid waste management plan bilang inisyal na pagtugon sa hinihiling ng batas. Subalit sa kabuuang bilang na ito ay 20 lamang ang inaprubahan ng National Waste Management Commission (NSWMC), 19 ang conditionally approved, 18 ang nirerepaso at 10 plano ang ibinalik para sa mga rebisyon upang mai-akma sa kasalukuyang panuntunan sa solid waste management.
Kabilang ang lungsod ng Baguio sa naaprubahan, at sa ilalim ng naamiyendahang 10- year solid waste management plan nito ay ang limang hakbang para maresolba ang problema sa pagtatapon ng basura, ito ang: 1) pagtatayo ng integrated solid waste disposal facility sa  Sto. Tomas, Apugan, na pag-aari ng lungsod kung saan bahagi nito ang isang waste-to-energy facility; 2) isang pansamantalang engineered sanitary landfill; 3) operasyon ng dalawang Environmental Recycling System (ERS) machines; 4) isang aerobic digester; at 5) at isang pasilidad para sa mga medical waste.
Sa kabila ng mga hakbang na ito ay bangungot pa rin ang problema ng basura sa lungsod. Sinisikap ni Mayor Domogan na tugunan ang problema, ikinonsidera ang alok ng Benguet Corporation na gamitin ang Antamok open pit at sa Mt. Sto Tomas  para sa  Integrated Solid Waste Management System Facility (ISWMSF) ngunit mahigpit na tinututulan ng mga residente. Sa kasalukuyan ay problema na rin ang transfer area sa Tuba dahil binabatikos at tinututulan na rin ng mga residente ang pagtatambak ng basura doon.
Isang kriminal at administratibong kaso ang maaaring harapin ng mga pinuno ng LGU kung hindi matugunan ang itinatakda ng batas at katunayan ay mahigit 50 opisyal mula sa iba’t ibang LGU sa bansa ang sinampahan ng kaso noong 2016 dahil nabigong ipatupad ang RA 9003.
Sa inilabas na audit report ng Commission on Audit noong 2017 ay hinimok nito ang pamunuan ng lungsod na daglian nang tugunan ang problema sa basura dahil kinain na nito ang kaban ng lungsod at pumalo sa P472.46 milyon ang nagastos sa hauling at tipping fees mula 2011 hanggang 2017. Ang halagang ito ay nagamit sana sa mas mahahalagang development projects ng lungsod. Gumagastos ang lungsod ng hanggang P90 milyon kada taon para ibiyahe ang basura sa Urdaneta City, Pangasinan at itong 2018 ay itinaas ang budget dito sa P95 milyon kumpara sa P85 milyon ng nakaraang taon. Ang halagang ito ay maaaring lumobo pa kung hindi agarang masolusyunan ang problema.
Sa loob ng siyam na taong panunungkulan (3 termino) ni Mayor Domogan ay hindi niya lubusang nasolusyunan ang problema sa basura at ngayong patapos na ang kaniyang termino ay maipapasa na muli ang problema sa bagong uupong alkalde (maging sino man siya) sa 2019. Sana sa panibagong liderato ay magkaroon na ng tunay na pagtutok sa problema sa basura dahil kung hindi ay tiyak malulublob ang lungsod sa kangkungan.                                             PMCJr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest