BANGUED, ABRA – Sumuko ang isang rebelde sa pwersa ng gobyerno sa bayan ng Sallapadan, Abra noong October 8, ayon sa huling ulat ng pulisya.
Si Lowel Carmelo Maglia, 22, pinaghihinalaang nasa ilalim ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) North Abra, ay sumuko kay Sallapadan Mayor Nenita Mustard Cardenas, mga Cordillera police at grupo ng Philippine Army sa Sadag Patrol Base ng Sitio Sadag, Barangay Maguyepyep ng nasabing bayan.
Ang grupo ni Maglia diumano ang responsible sa sunod-sunod na atake at panggugulo laban sa pwersa ng pamahalaan sa Abra at karatig-probinsiya.
Ayon sa Cordillera police, ang pagsuko ni Maglia ay udyok ng kaniyang pagkabigo sa pamumuno ng CPP-NPA at takot dahil patuloy ang pagsasagawa ng pwersa ng pamahalaan ng mga opensiba laban sa mga rebelde sa Abra kamakailan.
Ayon kay Cordillera Police Director Chief Supt. Elmo Sarona, ang pagsuko ng mga miyembro ng NPA sa mga nakaraang buwan ay resulta ng matatag at walang humpay na pinagsamang intelligence, combat, at civil-military operations ng PNP-AFP. Ito rin ay bunsod ng aktibong pakikipagtulungan ng stakeholders, lalo na ng suportang nagmumula sa komunidad at local government units, pahayag ni Sarona. ACE ALEGRE
October 14, 2017
October 14, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025