Rebeldeng hirap na sa bundok, sumuko

BONTOC, Mountain Province – Dahil sa hirap na pamumuhay sa bundok at patago-tago tuwing may military operations at paghihiwalay sa kasintahang amasona, ang nag-udyok sa isang miyembre ng New People’s Army na kusang-loob na sumuko sa pamahalaan.

Sa ulat na natanggap ni Police Regional Office- Cordillera regional director Rolando Nana mula sa Mountain Province Provincial Police Office, ang sumuko ay itinago sa pangalang “Alyas Bony”, 28, tubong Sadanga, Mt.Province at nakatira sa Tubo, Abra.

Ayon kay Bony, pumasok siya sa Kilusang Larangang Guerilla (KLG), Nona del Rosario Command, noong Setyembre 2018 sa pagaakalang makakatulong ito sa kanyang kahirapan.

Ni-recruit umano siya ng isang amasona at napusuan noon sa panahon ng kanyang pagiging rebelde sa kanilang pagtungo sa Abra.

Nag-operate siya sa lalawigan ng Ifugao sa pamumuno ng isang Alyas Hadji. Ayon kay Gen Nana, si Bony ay kusang-loob na sumuko na walang dalang armas sa operatiba ng Mountain Province, Regional Intelligence personnel, Provincial Mobile Force Company, members of the Philippine Army at Bontoc MPS, noong hapon ng Marso 5 sa Poblacion Sagada sa Mountain Province.

Dinala siya sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) para sa assessment at proseso sa kanyang initial assistance at livelihood program na ipagkakaloob ng gobyerno sa mga rebel returnee.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon