BAGUIO CITY
Isang 18 anyos na receptionist ang natagpuang patay sa loob ng kayang inuupahang apartment sa barangay San Carlos Heights noong gabi ng Biyernes Setyembre 20, 2024 ayon sa ulat ng Baguio City Police Office. Ayon sa isinagawang imbestigaston ng kapulisan natagpuan ng gabi ng Biyernes ang nasabing biktima na nagtamo ng anim (6) na saksak sa kanyang katawan at hinihinalang ito ay ginahasa rin dahil hubad ang katawan nito ng matagpuan ng mga otoridad.
Sinabi ng mga imbestigador na ang kaibigan ng biktima ang nagbigay sa kanila ng report dahil hindi raw ito sumasagot sa kanyang mga text at tawag at dahil dito ay agad niya itong pinuntaha sa kanyang apartment at nagulat siya sa tumambad sa kanya dahil puro dugo na ang loob ng kuwarto nito . Agad na tumawag ng pulis ang kaibigan nito na kung saan ay nagresponde ang Precinct 1 ng BCPO .
Kinilala ang biktima na si Gabriel Labayen, tubong Ifugao at namamasukan umano sa isang establismento sa lunsod. Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team napag-alaman na nanlaban umano ang biktima sa mga di pa nakikilalang suspek kung kayat napilitan na saksakin ang biktima ng anim na beses. Napag alaman din ng mga imbestigador na nawawala ang mga mahahalagang gamit ng biktima. Samantala sinabi ng PNP Cybercrime Unit na mayroon na silang nakikitang suspek or person of interest sa nasabing malagim na pagpaslang sa biktima.
with reports Darius Bajo
September 29, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024