Regional drug personality, tiklo sa Kalinga

JUST IN

CAMP DANGWA,Benguet – Hindi nakapalag ang isang drug pusher na nakatala bilang isa sa Regional Top 10 Drug Personality, nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay at mahulihan ng iligal droga sa Barangay Lacnog,Tabuk City,Kalinga.

Sa ulat na tinanggap ni BGen. Ronald Oliver Lee, regional director ng Police Regional Office-Cordillera mula sa Kalinga Provincial Police Office, nakilala ang nadakip na si Sabado Baclas Chapas,37, alyas Sabado Baclas Gayudan, 37.

Ayon kay Lee, magkakasanib na tauhan ng Kalinga PPO at PDEA ang nagsagawa ng search warrant operation noong Agosto 19 na inisyu ni Judge Jerson E. Angog,ng Branch 25, RTC, Bulanao, Tabuk City.

Nasamsam ng mga operatiba sa bahay ng suspek ang apat na heat-sealed transparent sachet of suspected shabu, na may timbang na 8.4 grams at may Standard Drug Price (SDP) na P48,120.00 .

Samantala, naunang nasakote din ng Kalinga PPO ang isang High Value Individual drug personality na si Rode Tabaniag Elarde,36, alyas Dino, construction worker at tubong Burgos, Isabela, sa ikinasang buy-bust operation noong Agosto 17 sa Purok 1, Agbannawag, Tabuk City, Kalinga.

Nakuha kay Elarde ang isang heat-sealed transparent sachet containing suspected shabu na may SDP na P1,360.00 at narekober ang buy-bust money, cellphone at TMX 155 motorcycle na ginamit sa transaksyon.