Reporma sa pangangasiwa, inihayag ng SSS

Aug 20, 2017

Sa pagharap ng mga opisyal ng Social Security System sa tri-media ay inisa-isang sagutin ang mga isyu at nagbigay ng updates sa ginagawa ng pamunuan at komisyon ng SSS.

Pinangunahan ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc ang talakayan.

“Ito ang bagong komisyon, kami ay nakikinig sa inyo upang maipaabot sa amin ang mga katanungan na alam kong matagal nang bumabagabag  sa inyong mga kaisipan lalo na yaong mga hamon na hinaharap sa kasalukuyan, ang pagdagdag ng benepisyo, ang persepsyon ng karamihan na natutuyo na ang pondo ng SSS, ano ang ginagawa ng pamunuan at komisyon ng SSS upang matugunan ang pinansyal na pangangailangan ng sistema at totoo ba na may kasunod pang isang libong piso na biyaya sa mga pensyonado at paano naman ito matutugunan ng pamunuan ng SSS.

“Marami kami nagawang mga panukala at yung iba ay nasimulan na, nagkaroon din tayo ng halimbawang bersyon ng tokhang sa SSS, hindi nga lang against drug kundi against delinquent employers na hindi nagbabayad ng contribution ng kanilang mga empleyado.

“Ang kasalukuyang charter ng SSS ay aming sinusubukan at ang amendment nito ay pumasa na sa mababang kapulungan this year and now is pending with the senate. Inaasahan namin na kung kami ay susuportahan ng mga lehislador, mga senador, ito ay magiging bagong batas na magbibigay ng karagdagang poder or authority sa amin, sa komisyon sa management upang maisagawa namin ang mga reporma na aming pinaniniwalaan kailangan upang aming matugunan ang pangangailangan ng aming mga kasapi at magampanan ng buong husay ang aming mga tungkulin.

“Ang mga tunay na nangyayari o development na ito sa hanay ng SSS mula sa komisyon at pamunuan ay maipaabot namin sa publiko at sa iba pang mga sector na tunay namin kailangan upang maitaguyod natin ang layunin at mandato ng SSS,” saad ni Dooc.

Nagbigay naman ng pahayag si SSS Chairman Dean Amado D. Valdez, “pinahahalagahan namin ang mga aktibong miyembro na nagbibigay ng kanilang contribution lalo na sa mga obligasyon ng bawat contributor tulad ng piso na ay may kapalit na P16 eventually kapag nagretiro na, ang pre-employment registration naman ay isinagawa namin sa mga school sa mga barangay na may edad 15 ay pinapa rehistro na namin sila at kasunod nito ay maisyuhan na sila ng ID, napakahalaga nitong ID sa bawat miyembro ng SSS dahil ang gamit nitong ID kapag kumpleto na real time na ang posting ay sandali lamang ang inyong mga transaction sa bangko.

“Sa panahon ng bagong administrasyon nagkaron ng mga panukala galing sa kongreso na ang gusto ay ibigay ng buo ang dalawang libo ngunit ito ay aming binantayan, hindi naman namin nilabanan sapagkat kami ay sumusuporta rin sa posisyon ng pangulo na dapat pagandahin natin ang biyaya na ibinibigay sa mga pensyonado ng SSS dahil ito ay nasa mandato sa ilalim ng aming charter na nagbigay ng meaningful at adequate na biyaya o pension sa mga retirado, pero ang pagbibigay ng benepisyo ay dapat may katapat na pondo, kung inyo pong aalamin napakaliit po ng gap ng contribution sa benepisyo.

“Ipapatupad namin na magdagdag ng contribution na sa katotohanan ay ito ay savings, savings ng kasapi ng SSS, kung gusto mong may ma withdraw ng malaki kung may pangangailangan ka, dagdagan mo ang idinideposito nyo, kaya kaming mga nasa komisyon ay nakahandang tumupad sa pangako ng pangulo, kami ay kanyang inilagay sa tungkuling ito, tinanggap namin ang hamon at posisyon,  paninindigan namin ito pero gagawa kami ng mga inisyatibo at reporma upang ito po ay aming matugunan,”  ani Dooc. ABN

RELATED POSTS

UNITED VAW-FREE PHILIPPINES

UNITED VAW-FREE PHILIPPINES

The Cordillera Administrative Region kicks off the observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) with a parade...

MOUNTAIN ENGINEERING SUMMIT 2022

MOUNTAIN ENGINEERING SUMMIT 2022

DOST-CAR on "Navigating the Alex of Mountain Resources through Science and Technology" with (L-R) Mr. Jose H. Dado Jr. - NEDA - CAR, Hon....

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest