RSBSA- MAHUSAY BANG INSTRUMENTO SA MALAMYANG AGRIKULTURA?

Sep 10, 2022

Marami at iba’t-ibang mga programa mayroon ang gobyerno na puntirya ang agrikultura at sektor ng pangisdaan, lalo na ang mahihirap. Para sa mas mabisa at mas simpleng programa na pupuntiryahin ay nilikha ang Registry Service for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), isang listahan ng mga magsasaka, manggagawa sa bukid, at mga mangingisda sa 75 probinsiya ng bansa maliban ang Autonomous Region in Muslim Mindanao at National Capital Region.

Kasalukuyan itong ginagamit ng Department of Budget and Management upang puntiryahin ang mga benepisaryo ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno na nagpapatupad ng mga programang agrikultural na suporta at bilang basehan para sa pag-isyu ng inilaang mga pondo para sa mga programang ito. Tinukoy na siyang minimum requirement sa pagtanggap o pagkuha ng mga serbisyo ng gobyerno na may kaugnayan sa agri-fishery partikular ng mga programa at proyekto ng Department of Agriculture (DA), mga kawanihan, mga kadugtong na ahensiya, at mga korporasyon, hinihikayat ng DA-CAR ang mga tao na nasa ilalim ng agri-basic sectors na magparehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Ang RSBSA ay tumutukoy sa electronic compilation ng mga pangunahing impormasyon ng mga magsasaka, manggagawa sa bukid, mangingisda, at iba pang puntiryang mga benepisaryo ng DA na may kaugnayan sa agrikultura. Ang kanilang mga datos ay iniencode sa Farmers and Fishery Registry System na pinamapahalaan at pinapanatili ng DA-Central Office. Sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA), binibigyan-diin nito na ang mga pambansang programa ng DA ay bigyan prayoridad ang mga lugar kung saan naroon ang karamihan ng rehistrado sa RSBSA na mga maliliit na magsasaka at mangingisda.

Magsisilbing isang requirement at basehan ang RSBSA para sa pagbibigay ng tulong pinansiyal, subsidiary funding, at insurance services para sa mga magsasaka at mangingisda gaya ng mga nakarehistro sa electronic database ng mga ahensiya ng gobyerno ay nabibigyan ng prayoridad sa pagpuntirya at pagpapatupad ng nauukol na mga programa. Ang RSBSA registration ay isang one-time registration na may isang reference number at isa itong tuloy-tuloy na aktibidad na sisiguruhin na lahat ng kuwalipikadong Pilipino ay mairerehistro sa sistema.

Ayon sa DA, hanggang Marso 8,2022, nakapagrehistro na sila ng 5,463,735 magsasaka, mangingisda at farm workers kung saan 5,214,972 record ng mga magsasaka at mangingisda ang na-encode na sa Farmers and Fisherfolk Registration System (FFRS). Puntirya ng DA na irehistro ang lahat ng tinatayang higit 13 milyon magsasaka, mangingisda, farm workers, at iba pang puntiryang agriculture-based beneficiaries sa buong bansa.

Ayon sa DA, ang matagumpay at mahusay na pamamahagi ng tulong sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) ay maaaring dahil sa updated na listahan ng mga magsasaka ng palay sa RSBSA kung saan ang unconditional cash assistance na PhP5,000 ay naiload sa mga account ng 1,048,722 na rice farmer-beneficiaries hanggang Marso 8,2022 na nagsasaka ng dalawang ektarya o mas mababang sukat ng lupa.

Sa Cordillera Administrative Region (CAR) ay nasa 120,926 na ang nagparehistro sa kabuuang 290,182 na target hanggang sa susunod na taon. Sa lungsod ng Baguio ay may mahigit tatlong libo na ang nagparehistro at inaasahan ng City Veterinary and Agriculture Office (CVAO) na dadami pa ito. Maaaring sabihin ng ilan na tila kakatwa na bakit maraming magsasaka sa isang highly-urbanized na lungsod ay may mga magsasaka na ganito karami at dadami pa. Sa isang survey na isinagawa ng bagonglikhang agriculture section ng City Veterinary Office noong 2019, mayroong mahigit 1,500 magsasaka ang nasa agrikultura sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod.

Subalit mula nang simulang ipatupad ng DA ang RSBSA noong 2020, ang bilang ng rehistradong
mga magsasaka ay nagsimulang dumami sa nakaraang dalawang taon na isang indikasyon ng maliwanag na pag-asa para sa agrikultura sa kalunsuran gaya ng sa lungsod ng Baguio kung saan may limitadong mga lupa na bubungkalin ng mga magsasaka. Sa malaking problema at usaping sa agrikultura ng bansa ay malaki ang tulong ng programang RSBSA dahil tila nahihikayat ang mga magsasaka, dati man o mga may balak maging isa na muling pasiglahin ang agrikultura ng bansa maging sa maliliit lamang na kakayahan at limitadong lupa.

Ngunit dapat pa ring isaalang-alang ang pangunahing konsepto at kahalagahan ng Data Privacy Act (DPA) upang mabigyan ng seguridad at proteksiyon ang magpaparehistro dahil sa lumalaganap na mga scam at krimen, higit sa lahat huwag sanang magamit ito ng masasamang tao, lalo na ng mga tiwali at korap ng
mga opisyal ng gobyerno. Kailangan maisama sa programa ang mga lehitimong agricultural producers at hindi kung sino-sino lamang, ayusin ang listahan, ang mga tagas, at kahirapan ng rehistro na mag-uugnay sa ibang database ng gobyerno at hindi maliwanag ng depenisyon ng magsasaka. Sa kabuuan, bagamat may mga pagkukulang ay kapaki-pakinabang ang programa bilang instrumentong pantukoy at inaasahang
mapapahusay pa ito.

RELATED POSTS

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay...

NO STORY

NO STORY

Ang mga “informer” ay kadalasang ginagamit sa mga kaso ng organisadong krimen. Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC),...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest