Sa kaniyang pamumuno sa DA, may aasahan ba tayong pagbabago?

Editorial

Nagdesisyon na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na panguluhan ang Department of Agriculture (DA) dahil malubha na problema at upang masiguro ang agarang aksiyon ng gobyerno sa gitna ng patuloy na mga nangyayari sa buong daigdig kasama ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine na sanhi ng pagtaas ng mga presyo sa langis at ang napipintong kakulangan sa pagkain.Ang pag-angkin sa trabaho ng kalihim ng DA ay tila pagtugon sa kaniyang pangako sa kampanya na magtrabaho tungo sa pagpapababa ng presyo ng pangunahing pagkain ng mga Pilipino na bigas.

Inilahad ni BBM ang isang plano kung saan gagamitin niya ang pakikipagtulungan ng mga negosyante tungo sa hangarin na PhP20 kada kilo na bigas na adhikain ng kaniyang administrasyon. Sa huli ay kailangang ayusin ayon kay BBM ang “value chain” sa agrikultura na dapat panatilihing mababa ang mga presyo ng bigas.

Ayon kay Pangulong Marcos ang susi sa muling pagpapasigla sa naghihingalong sektor ng agrikultura ay ang industriyal na pagsasaka kung saan may mahalagang papel ang gobyerno.

Sa nakalipas na mga taon (dekada), ang pag-unlad ay pinilay ng kulang na pagganap ng sektor ng agrikultura, maliban sa madaling pinsalain ng mga bagyo at iba pang malulubhang galaw ng lagay ng panahon at nasasaktan mula sa mababang ani dahil patuloy na paggamit ng mga magsasaka sa tradisyunal ng mga pamamaraan. Dahil prayoridad ng kaniyang administrasyon ang agrikultura, nais ni BBM na muling organisahin ang Kagawaran ng Agrikultura kasama ang pagrepaso sa mga trabaho at mga naisagawa ng ilang mga ahensiya sa ilalim ng kagawaran, pagbalik sa mga attached agencies, at pagre-tool sa ilang mga opisina upang maging mas nakakatugon sila sa kasalukuyan at hinaharap ng mga sitwasyon at sa mga pangangailangan ng mga tao.

Ang mga presyo ay namiminsala sa karamihan ng sambahayan na siyang kalimitang biktima ng epekto ng mala-langit na presyo ng gasolina, ma patuloy na may miserableng hinaharap sa pagpapatuloy ng heopulitikal na krisis. Sa pakikialam ng gobyerno sa supply chain, sa pagpapababa sa mga presyo ay maaaring lumuwag ang mga presyo.

May hurisdiksiyon ang DA hindi lamang sa mga pananim, paghahayupan, produksiyon ng manok at gatas kundi pati sa pangisdaan at yamang tubig, agribusiness at agroforestry. Nagrereklamo rin ang mga nagtatanim ng sibuyas at mga gulay gaya ng carrots sa isa pang problema ng hindi maampat na smuggling, gayundin sa sector ng aquaculture, poultry at livestock producers. Ang panganib sa pag-upo ni BBM sa DA ay sasaluhin niya ang sisi sakaling sasama pa ang sektor ng agrikultura kung magpatuloy ang alanganing sitwasyon sa daigdig.

Dagdag ang panggigipit upang magkaroon ng solidong naisagawa at natapos sa agrikultura na kinakailangan sa lalong madaling panahon ay maaaring makagambala kay BBM sa maraming mahahalagang isyu na nangangailangan ng atensiyon mula sa Pangulo.

Kinukutya at nililibak ng mga karaniwang kritiko na ang pangako ni BBM ay tangkang panatilihin ang suporta ng publiko at minaliit ang kakayahang pangunahan ang DA.

Subalit sa kaniyang panunungkulan bilang gobernador ng isang probinsiyang malawak ang lupaing agrikultura ay siguradong may mahusay na pagkaunawa si BBM sa malalang mga problema.

Napatunayan ito bagaman hindi gaanong nailalathala sa mga pahayagan ay umunlad ang probinsiya ng Ilocos Norte sa larangan ng agrikultura.

Pansamantala man ang kaniyang pagupo bilang kalihim ng DA ay kinakailangan pa rin niyang humanap ng matino at may mataas na kakayahan sa aktuwal na pang araw-araw na pamamahala sa kagawaran habang pinamamahalaan din niya ang napakalaking inaasahan sa kaniya. Sa kaniyang pansamantalang pangunguna sa

Kagawaran ng Agrikultura, nawa’y malinis ang ahensiya, kahit papaano. Tama, kung magtratrabaho tayo ng puspusan at sama-sama dahil hindi kakayanin ng isang tao ang problema at makibahagi sa solusyon at huwag maging dagdag problema – ang PhP20 kada kilo na bigas ay posible.