Sa wakas libreng edukasyon, pero sana magtagal at para sa lahat

Mar 18, 2017

Pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa senado ang Senate Bill 1304 (Affordable Higher Education for All Act) noong Marso 13 na layong maitatag ang isang tuition-free policy para sa 112 state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa. Tunay na isa itong importanteng araw hindi lamang sa 17th Congress kundi para sa mga milyong mahihirap na kabataan at mag-aaral na nagnanais ipagpatuloy ang pag-aaral subalit nabibinbin dahil sa masyadong mataas na halaga ng edukasyon ngayon.
Sa kasalukuyan ay may 1,645,566 na estudyante ang naka-enrol sa iba’t ibang SUCs na may average weighted na tuition fee na P9,407 bawat taon. Ayon kay Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV na pangunahing may-akda sa panukala at dating committee chairman ng Senate Committee on Education na kapag naging batas ito ay nangangailangan ang gobyerno ng may P16 bilyon bawat taon upang matustusan ang matrikula sa SUCs. Naging masalimuot man ang balitaktakan sa panukalang ito ay nanaig pa rin ang itinatakda at mandato ng Konstitusyon na kailangang itaguyod ng estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa kuwalidad na edukasyon sa lahat ng antas. Sa P3.35 trillion 2017 national budget ay napasama ang P8 billion free tuition fee program sa mga SUC sa probisyon na ilalagay sa “conditional implementation”.
Sa kabila nito ay hindi lahat ng undergraduate students sa susunod na taon ay hindi makikinabang sa programa dahil iniutos ni pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng prayoridad ang mahihirap subalit academically qualified students. Sa bagong programa ay kailangang mabantayan ang tamang implementasyon ng probisyon ng free tuition fee at magkaroon ng kinakailangang panuntunan gaya ng standards at procedure para sa entitlement at availment ng libreng matrikula.Isa pa sa inaasahan at inaalala ay ang paglipat ng maraming mag-aaral mula sa pribado papunta sa SUCs kaya bagaman ang panukala ay “para sa lahat” ay dapat ding masala nang mabuti ang mga papasok upang hindi mailagay sa alanganin ang antas ng edukasyon, dahil higit sa libreng matrikula ay dapat isipin din ang kuwalidad ng edukasyon.
Isa pa sa isyung tiningnan ay hindi mahihirap ang makikinabang dahil 8 porsiyento lamang daw ayon kay CHED Chairperson Patricia Licuanan ang mahihirap na nag-aaral. Mukhang mali kung ganito natin tingnan ito bagkus ay isipin nating makakaakit ang programang ito sa mga mahihirap na mas may tiyaga at uhaw sa edukasyon. Kung tutuusin ay marami ng nagsikap na mahihirap na makamit ang pangarap – dahil naging inspirasyon at sandata nila ang “kahirapan”. Dahil maaaring magamit ang impluwensiya makakuha lamang ng libreng matrikula, nakikita ang bentahan at palakasan na huwag naman sanang mangyari.
Anuman ang halaga ng ating mga silid-aklatan ay mas mura ito kumpara sa isang mangmang na bansa. Dahil sa makabagong panahon ay inaasahan at trabaho ng mga modernong tagapagturo na huwag sirain ang gubat ng karunungan bagkus ay patubigan ang tuyot na disyerto. Pmcjr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest