Barangay captain sa Ilocos Norte, huli sa droga

Isang barangay chairman ang inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents dahil sa illegal na droga.
Si Mark Lester Doronio, 34, incumbent chairman ng barangay 21, San Marcos, Sarrat sa Ilocos Norte, ay nadakip ng PDEA agents at mga pulis na sumalakay saa kanyang tahanan sa utos ng korte.
Anim na plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng 0.072 grams at nagkakahalaga ng tinatayang P432 at isang piraso ng live ammunition ng caliber 25 ang nakumpiska ng otoridad.
Haharapin ni Doronio ang kasong violation of Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at dagdag na kaso sa violation of RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition). Ace Alegre

Amianan Balita Ngayon