SA DINAMI-DAMI ng mga suliraning pambayan, malaking hamon sa mga manunumpa ng katungkulan – at ito ay nakaguhit na sa
kapalaran ngayong buwan – ang pagbibigay ng kaukulang atensyon upang kahit papaano ay mabalangkas ang mga solusyong kasagutan at
aasahan sa mga susunod na tatlong taon. Nitong nakaraang buwan, palagi nga tayong napagtatanungan kung mayroong pag-asa na
mabawasan ang mga matagal ng idinadaing na problema ng trapik. Ano nga ba ang inaasahang solusyon upang tuluyang mabigyan ng
kalutasan ang deka-dekadang parusa na dulot ng masidhing trapik sa lungsod, lalo na sa sentro ng buhay at kabuhayan, ang Central Business District?
Ganito na lamang ba na tuwing katapusan ng linggong dumadaan, magmula Byernes hanggang Linggo, ay parating usad pagong ang daloy ng trapiko sa CBD area. Habang bumabyahe ang panahon ng walang paghihintay, ay ganoon din daw kabigat ang dausdos ng trapik, ang mga galaw sa kalsada na usad-pagong sa tuwi-tuwina. Sa mga nakararanas ng pagbyahe sa loob ng CBD, atin namang aminin na ang problema ng trapiko ay hindi lubusang malulutas dahil ang mga naidadagdag na mga sasakyang pumapasok sa sentro ng lungsod ay mas mabilis pang dumarami kada taon. Paano mo pipigilan ang pagdami ng mga sasakyang papunta ng CBD? Sa Kennon Road pa lang ba, dapat ng bigyang babala ang mga dumadagsang turista na hindi na makakapasok sa loob ng CBD?
Ang siste nito ay mayroon tayong mga batas na nakasandal sa Saligang Batas na hindi pwedeng supilin ang mga motoristang makarating ng isang lugar, kung ang rason ay sobra na sa tinatawag na carrying capacity ang pupuntahang pook. Subukan mong bigyang babala ang mga dumadagsang turista. Mapa-Kennon o Marcos Hiway, o maski pa ang Naguillan Road, hindi talaga maaaring bawalang makarating ang isang byahero sa kanyang ninanasang puntahan. Diyan natin masusubukan ang gilas at galing ng mga sinasabing mga pantas sa
kalsada. Sige po, inyong pagtuunan ng atensyon ang sitwasyon ng trapik, at ilahad ang inyong mga solusyon na ang pinaghuhugutan ay
maaaring naka-depende sa karanasan, sa kaugalian, at sa kaalaman ng mga dalubhasa.
Tiyak natin na, kung mayroong isandaang tao sa loob ng isang silid, at sila ay binigyang puwang na bumalangkas ng mga solusyon, ganoon din karami ang mapupulot nating mga remedyo. Hindi natin mamadaliin ang paghahanap ng mga kalutasan sa iba pang mga suliraning
kaakibat ng kaunlarang tinatamasa ng lungsod. Ang atin nga pong madalas na marinig sa usapin ng trapik ay simpleng solusyon lang: bawalan ang pagdagsa sa mga lugar na kung saan ang mga sasakyan, publiko man o pribado, Anumang lugar makapit sa sentro ay gawing
pinal na destinasyon, upang ang mga nakasakay ay maaaring maibaba at ma-enganyong maglakad na lamang. Matagal ko ring pinag-isipan ang katanungan iyan. Hindi sapagkat naglaho ang lakas sa paglipas ng panahon.
Sa aking palagay, anumang mga mahahalagang isyu at adbokasiya ang minsan ay pinaghiyawan, ang mga ito pa rin ang naka-ugat sa ating
angking katauhan. Hindi ito lumilipas. Nandyan pa rin at nanunuot, kung baga, sa kaibuturan ang puso at kaluluwa. Hindi natin hangarin na saklawan ang kapangyarihan ng mga kinauukulan upang bigyang liwanag ang mga kasagutan sa mga problemang kaagapay ng progresong ating tinatamasa. Muli nating bagtasin ang mga nagdaang agos ng panahon, ang hindi maitatatwang progreso at pakikipagsabayan ng Baguio sa iba pang mga maunlad na lugar. Ating sundan ang pagbabalik-tanaw hindi lamang sa mga taon nitong
pangkasalukuyang pag-usad ng lungsod, kundi lampas-dekada pa.
Sa hamak na abot-tanaw, ating naranasan ang tila usad-pagong na pag-galaw ng lungsod sa mundo ng modernisasyon na siyang tawag ng panahon. Ang palengke noong ating kabataan , publikong masasabi, ay tila pinag-halong kalamay ng kawalang pagbabago – naglipanang mga naglalako ng kung anu-ano at nagkalat na karumihan saan man bumaling ang mata. Ganito na noon, ganito pa rin bas a
kasalukuyang panahon, at sa mga susunod pang mga taon? Madalas nga nating marinig, bilang pangangatyaw, na kung ikukumpara an gating pamilihang bayan sa karatig lungsod dyan sa kapatagan, na tila hindi umusad ang panahon sa ating palengke. Palengke pa ring nakagisnan ng ating mga ninuno, walang pagbabagong magpapaangat sa estado at kundisyon.
Totoo nga na gayung nasa ganitong kalagayan ang ating pamilihang bayan ay hindi bumitaw ang mga tumatangkilik dito, lalo at higit ang mga bisita nating ramdam ang pagkiling sa lugar para sa mga bibilhing pasalubong pag-uwi sa kani-kanilang pinanggalingan. Makibahagi. Maki-ugnayan. Mag-solusyonan tayo. Gawing iisang isip ang pagtagni-tagni ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa trapik. Huwag ng hintaying lumala pa ang lumalalang trapik at pagtuunan ng atensyon ang usaping ito. Anuman ang problema, mayroon daw
kaakibat, at kasing-balikat, na solusyon. Hanapin, hulmahin, at hayaang humulagpos sa ating mga pinag-samang mga kamay.
May 31, 2025
May 31, 2025
June 24, 2025
June 24, 2025
June 24, 2025
June 24, 2025
June 24, 2025