Sala sa trapik, sala sa parking

Minsan nakakainis at minsan naman ay nakakatuwa ang ginagawang pag-aasikaso ng mga traffic enforcer ng Baguio City Police Office. Bakit kanyo, kasi minsan ang mga pulis trapiko ay nasa lansangan sa mga choke point na lugar tuwing rush hour at minsan naman walang pulis na nagtatrapik sa oras ng rush hour, ang tanong ano ba ang traffic enforcement plan ng BCPO traffic management unit?
Alam po natin na mahirap magtrapik kasi naranasan ko yan noong Boy Scout ako, kaya lang punto ko rito ay dapat tuwing rush hour naman ay magtalaga kayo ng mga pulis trapiko Supt. Gapuz sa umaga tuwing 6am to 8am ang nakikita kong rush hour at walang nagsasagawa ng trapiko sa may choke point ng Lake Drive going to Magsaysay-Harrison Road, ganun din sa may intersection ng Legarda-Kisad Road going to Burnham Park at mismong sa harapan ng BCPO papuntang Bokawkan ay trapik po dyan, sa madaling salita ay tuwing rush hour sa central business district.
Nakikita rin namin na minsan naka-tambay lang ang ilang traffic enforcer, siguro kulang sa sahod o kaya naka-kota na dahil sa maraming nabaklas na mga plaka. Isa pa, Sir Ramir Saculles tanong lang, talaga bang team at sandamakmak na pulis ang inuutusan niyong magbaklas ng plaka? Eh sagad po sa problema sa trapiko tuwing rush hour sa hapon?
Para sa kaalaman ng ibang motorist na tulad ko, alisin niyo agad ang parking sa Abanao St., Bokawkan at sa may papuntang Nevada Square dahil kapag nahuli kayo ng mga Baklas Boys multa kayo ng P500  medyo masakit  sa bulsa yan .
We urge the traffic management unit and the City government of Mayor Mauricio Domogan to review the existing traffic system in Baguio City especially in the Central Business District  for all we know ito pa yung experimental traffic system noong panahon ni ex-Mayor Peter Rey Bautista, isama niyo na rin sa planong Metro-BLISTT, this to anticipate the incoming bigger population come five years from now. Concerned citizen

Amianan Balita Ngayon