Giyera sa Marawi, tapos na. Ano ang next?

Oct 29, 2017

Pagkalipas ng limang buwan, natapos din kamakailan ang giyera sa Marawi. Marami ang nagbunyi dahil hindi na madaragdagan ang casualties. At sa ulat ng AFP, umabot na sa 920 Maute-ISIS ang napatay kasama ang limang dayuhang terorista; 165 sa panig ng puwersa ng Pilipinas (AFP/PNP) lima pa sa mga sibilyang nadamay. Marami ang nagpasalamat sa pagwawakas ng giyera at maghihintay na lamang sa panibagong Marawi sa hinaharap. Haay buhay nga naman, mantakin mo na dahil sa pagsugpo sa terorismo, magkakaganyan ang mukha ng Marawi? Walang pinag-iba  sa mga lugar sa mundo na dinurog ng giyera. Kung inyong sisipatin ang mga lugar na pinagsentruhan ng bakbakan, animo’y kalansay na lamang ang natira sa mga gusali, negosyo at ari-arian. Parang mahihirapan na itong makumpuni at ibalik sa dati. Di pa man nagsisimula ang rehab sa Marawi, marami ng problema ang nagsulputan. Hihimayin natin ire mga pards.

*****

Unang tanong: ano ang gagawin sa nagkalasog-lasog na mga gusali? Tiyak na kung sa mga gusali ng gobyerno, pupulbusin na nang tuluyan at magpatayo ng bagong gusali gaya ng ospital, paaralan, at mga opisina ng pamahalaan sa naturang lungsod. Pero papaano ang nadurog na mga gusali ng pribadong sektor gaya ng pa-negosyo at bahay? Pupulbusin ba ang mga gusaling ito at magpapatayo ng bago? Sinong magpapatayo… gobyerno o ang may-ari ng gusali? May narinig tayong eksena na may mga gusali raw na itinayong walang permit at sa lupang hindi nila pag-aari. Kung baga, squat. Sa ganitong sitwasyon, di kaya ito kukunin ng pamahalaan? At kung sakali namang magbibigay ang gobyerno ng pera sa mga legal na may-ari ng mga nawasak na gusali, katumbas kaya ito ng buong  halaga  ng ari-arian ng biktima? Dalawa hanggang tatlong taon daw ang isasagawang rehabilitasyon ng Marawi. Daang pamilya ang apektado dahil hindi pa nila mababalikan ang kanilang wasak na tahanan. Doon muna sila titira sa gagawing mga temporaryong pabahay. Bibigyan din daw sila ng pagkakakitaang trabaho o maliit na negosyo. Medyo masalimuot ang senaryo, mga pards, di ba?

*****

May mga suhestiyon na puwedeng pag-aralan ng Duterte Administration:  Isa na rito ang ideya na huwag na lang wasakin o patagin ang nawasak na mga bahay at hayaan na lamang na ganyan. Gawin na lang itong moog ng mapait na alaala ng malupit na giyera at magsilbing aral sa lahat. Gawin daw itong tourist spot at tiyak na tatabo ito ng revenues. Sabagay, marami ang mahilig mag-UZI (ususero kahit maliit na bagay) at tiyak na pagkakaguluhang dayuhin ang Marawi at busisihin kung ano ang bunga ng giyera. Sabi naman ng iba: hanap sila ng malapit ding lugar at gumawa ng panibagong Marawi City. Parang ililipat lang ang mga gusaling nawasak. Sinong maglilipat? Kung ako ang residenteng nawasak ang bahay, bibigyan ba ako ng sapat na pondo upang ako na ang magpapatayo ng bago kong bahay sa bagong lugar ng Marawi City? Paano ang mga pa-negosyo? Ganyan din kaya ang sistema ng paglilipat?

*****

Tapos na ang giyera sa Marawi. Ngunit kung papaano ito muling ibabangon, malaking palaisipan, di ba? Bilyong piso ang kailangan. Tiyak marami ang tutulong. Dalangin natin na huwag sana silang (mga biktima) matulad sa sinapit ng mga biktima ng Yolanda. Hanggang sa ngayon nasa balag pa rin sila ng alanganin sa lilipatan nilang mga pabahay kasi nabulgar na may anomalya rito. Sabi ng iba, baka mauuna pang marehab ang Marawi kaysa sa Yolanda. Huwag isama sa rehab ang mga opisyal ng gobyerno na may makakating kamay at utak. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

MERGING THE BARANGAYS

The renewed effort to consolidate and merge the 128 Barangays in the City of Baguio is once again at the forefront in a lot of peoples...

PILIPINAS… NASA TAMANG DIRESIYON!!!

Base sa isinagawang survey ng OCTA nitong 4th quarter ng 2022….85% ng mga Pilipino ang kumbinsidong nasa tamang direksiyon ang ating bansa...

SINGLE MALTREATED

The closing of a city led festival ended in a sour note because of a crass sponsor who thought it fit to deny artists of a drink. The...

PASKO SA BAGUIO

MUKHANG kakaiba ang mga naihandang mga programa sa selebrasyon ng Kapaskuhan sa Baguio. Mas masigla, Mas masaya, at mas nasa puso at diwa...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest