San Fernando City binuksan ang ikasampung isolation facility

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Binuksan ng pamahalaang lungsod noong Huwebes (Set. 16) ang isang bagong isolation facility sa Bangbangolan Elementary School upang tugunan ang biglang pagdami ng mga kaso ng sakit na coronavirus disease 2019 (Covid-19) dito.
Sa isang panayam ay sinabi ni City Health Office (CHO) medical officer Dr. Joseph Alves na kayang tumanggap ng pasilidad mh 70 Covid-19 pasyente na mga asymptomatic.
“Oxygen tanks are on standby in the area and this is the 10th isolation facility in the city,” aniya. Isa pang isolation facility ang itinatayo sa Special Education Integrated School sa lungsod na ito habang ang suplay ng tubig sa mga pasilidad sa Archives and Pias isolation ay inaayos.
“Ang nasabing isolation facilities ay naglalayong makadagdag sa kasalukuyang 232 bed capacities na mayroon ang siyudad,” sinabi ng pamahalaang lungsod sa isang post noong Miyerkoles.
Ang San Fernando city ay may 67.82 – percent occupancy rate sa mga isolation facilities nito. Hanggang nitong Setyembre 14, nakapagtala ang lungsod ng 583 aktibong mga kaso ng Covid-19.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon