Pangasinan police nakumpiska ang P272-K shabu sa dating pulis, P355-K sa isa pa

PANGASINAN – Nakumpiska ng mga awtoridad ang PhP272,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu mula sa isang dating pulis na ikinonsidera bilang isang highvalue individual (HVI) sa isang operasyon sa Barangay Duera sa bayan ng Bayambang noong Setyembre 16.
Sa isang panayam kay Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) information officer Maj. Arturo Melchor Jr., kinilala niya ang suspek na si Joy Mabulay, 30, dating pulis na nakatalaga sa National Capital Region.
“A search warrant was implemented in the residence of the suspect in Barangay Duera early morning on Thursday when authorities discovered 26 sachets of suspected shabu and a black pouch containing two more sachets of suspected shabu and other drug paraphernalia,” aniya.
Sinabi ni Melchor na ang suspelk ay ikinonsidera na isang HVI dahil sa halaga ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na halos 30 gramo na nakumpiska mula sa kaniyang pag-iingat.
“The search warrant was in relation to Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” ani Melchor.
Dagdag pa niya na si Mabulay ay tinanggal sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot mito sa iligal na kalakal ng droga.
Samantala ay nakakumpiska naman ang mga awtoridad ng PhP355,000 halaga ng shabu mula sa isang high-value target sa isang madaling araw na operasyon noong Miyerkoles (Set. 15) sa Urdaneta City.
Sa isang panayam kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan provincial officer Rechie Camacho, kinilala niya ang suspek na si Robin Macaraeg, 35, residente ng Barangay Salvacion sa bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan.
“The suspect is a heavy equipment operator in the National Capital Region (NCR). The buy-bust operation was originally set for the evening of Tuesday but due to some delays, it was conducted (at) dawn on Wednesday at Barangay Nancayasan, Urdaneta City,” aniya.
Sinabi ni Camacho na ang suspek ay ikinonsiderang high-value target dahil sa halaga ng shabu na nakumpiska sa kaniya. “Confiscated from him a total weight of 52.35 grams of shabu worth PHP355,967.76,” dagdag niya.
Ayon pa kay Camacho, umarkila ang suspek ng isang pampasaherong van mula sa NCR upang magdeliver ng shabu sa isang ahente ng PDEA na nagkunwaring buyer na nagresulta sa kaniyang pagkadakip.
“We are still investigating where his networks are in the province and if there are also other dealers connected to him,” aniya. Ang mga suspek at mga ebidensiya ay nasa ilalim na ng pangangalaga ng mga awtoridad.
(HA-PNA Pang./PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon