SAYAW NI DUTERTE… ARTAS-ABANTE???

May bagong kontrobersiya na naman. Masahol pa sa isyu ng Cha-Cha. Pero sayaw din ito: Ang Sayaw ni dating
Pangulong Duterte – ATRASABANTE! Ano bang nangyari? Tama naman daw ang tuno ng musika, pero ang mga paa raw ay sintonado! Mga ganyan, pards ang mga pumutok na mga reaksiyon ng marami at pinagpipiyestahan ngayon.
Sundan: Bago sa mga kontrobersiya, magbibigay-pugay naman tayo sa ginanap na Panagbenga 2024 na magtatapos ngayong arawMarch 3. Matagumpay ito sa likud ng ilang puna.

Naging maayos ang lahat at dinagsa ng maraming turista. At kung maraming bisita, natural may dagdag-kita naman ang ating mga negosyante. Mula sa kainan hanggang sa tinuluyan ng ating mga bisita, tiyak kumita. Eh, ano bang mga puna? Doon lang sa naganap na dalawang malalaking parade, ika nila. May nakapuna sa Street Dancing Parade (Pebrero 24) na di raw gaanong dinagsa. Ganon din ang float parade (Pebrero 25). Baka raw nakukulangan sila sa mga bisitang artista? Samu’t-sari ang mga reaksiyon. Meron pang nagsasabing, sarado daw kasi ang Kennon road at tamad ang mga bisitang iikot sa Marcos Highway.

Nagtitipid din daw ang mga tao. Ilang mga puna na dumaplis sa aming teynga. Pero, teka lang…may mga dayo pang
grupo ang sumali sa street at dancing parade, di ba? Sa float parade nga, eh…ang galing ng contingent ng mga Koreano at Hapones. May sumaludo pa ngang nanood sa banda ng PMA kasi magagaling silang gumiling! Anyway, sa kabuoan, naidaos na natin ang Panagbenga-2024. Ano man ang mga pagkukulang..tiyak na masosolusyonan sa
susunod. Kudos sa lahat ng mga taong nasa likud nito sampu ng mga opisyales ng LGU. Hurray!

Balik-kontrobersiya tayo. Unahin na natin ang alingawngaw ng isyu sa charter-Change (Cha-Cha) kung saan, umatras ang dila ni dating Pangulong Duterte kontra sa amyenda sa konstitusyon. Anyare? Kambiyo na siya, paatras. Pabor na daw siya sa Cha-Cha basta’t huwag isama sa mababago ang isyu ng termino ng mga opisyales ng gobyerno. Kontra siya sa isyu ng termextention. Ang ikalawang pasabog ng dating pangulo ay sa isyu ng paghihiwalay ng Mindanao at mapa ng Pilipinas.

Wala daw siyang sinasabi hinggil dito. Maryusep! Sangkatirbang maryusep ang pumalag kasi sa kung ilang araw ding namayagpag ang pasabog niyang ito na dapat ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas upang magkaroon daw sila ng sariling teritoryo. Kanyang itinanggi ang mga talak niya noon. Panakot lang daw niya ito pero hindi totoong gusto niyang mangyari. Pati sa isyung pagtanggap daw niya ng mga baril mula kay Pastor Quibuloy..ay todo-ilag siya sa
ngayon. Bakit ka mananakot kung wala kang kinakatakutan.

Bakit ka magbabanta kung walang ka namang iilagan. Ganito ba talaga ang ATRAABANTE?@#$%^&*. Mga surot sa NAIA, marami na ang nakagat. At napag-alaman IMPORTED ANG MGA SUROT. Akala ko sa mga sinehan lang may surot..he, he..pati pala sa AIRPORT! Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon